Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Natasha Ledesma

Natasha Ledesma gradweyt na sa pagpapa-sexy  

MATABIL
ni John Fontanilla

INIWAN na ni Natasha Ledesma ang pagpapa-sexy mapa-pelikula man o telebisyon.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos at sa mga taong nagtitiwala pa rin sa akin, kasi ‘yun nga ‘yung sinasabi natin na kung puro pagpapa-sexy lang ang alam mo lilipas din ‘yun.

” Bukas makalawa may mga bagong papasok sa pagpapa-sexy na mas bata at mas sariwa, pero kung may talent ka hindi ka rin basta mawawala.

And sa edad ko ngayom pass na ako riyan. Gradweyt na ako riyan. I have may golden days. 

“Ibigay na lang natin ‘yan sa mas bata at gustong gawing stepping stone ang pagpapa-sexy para makilala,” pagbabahagi ni Natasha.

Mas okey na  kay Natasha na tumanggap ng proyekto na pang-nanay lalo na’t nanay na rin siya.  Sa latest movie nitong Sa Aking Mga Anak ng DreamGo Productions, na iinirehe ni Jun Miguel, nanay ang role ni Natasha.

“Nanay po ako sa movie,  ilan ba ang mga anak ko rito ? ang dami! 

“Ako ‘yung nanay dito na maraming utang, lahat na lang inuutangan ko, so wala ng gustong magpa-utang sa akin.

“Tapos ‘yung lahat ng hindi magandang nagyari sa akin isinisisi ko sa Diyos.

“Hangang dumating sa point na ‘yung isa sa anak ko naging critical, so natuto ako magpakumbaba at lumapit ulit sa kanya (Diyos).  

“Maramig matututunang aral sa movie, like ang nanay gagawin lahat para sa anak.

“’Yung akala mo kaya mo na lahat sa buhay mo. Sa totoo lang wala ka naman magagawa ‘pag ‘di ka sinamahan ng Diyos at wala ka ipagyayabang sa Kanya, dahil ang lahat ay utang mo rin sa kanya. So ‘yun ‘yung mga lesson sa movie, ” wika pa ni Natahas.

Bukod sa pelikulang sa Sa Aking Mga Anak ay regular din itong napapanood sa Binibining Marikit ng GMA.

“Regular ako sa ‘Binibining Marikit,’ anak ko rito si Ashley Rivera na bestfriend ni Herlene (Budol). Mataray ako roon pero parang bumabait-bait na ako, pinababait na ako ni direk,” sabi pa ni Natasha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …