Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde

Arjo ‘di napabagsak ng paninira, ‘wagi ulit sa district 1 ng QC

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI nagabi ng paninira at muling nagwagi bilang congressman ng District 1 ng Quezon City ang aktor na si Arjo Atayde.

Isa nga si Cong. Arjo sa mga artistang pinalad na manalo.

Pagpapatunay lamang na maraming taga-distrito uno ng Quezon City ang nagmamahal at naniniwala kay Cong. Arjo na walang inisip kundi ang kapakanan, makatulong, at magbigay ng magagandang proyekto sa kanyang sinasakupan, katulad ng kanyang mga ginawa nang una siyang nanalo kaya’t dodoblehin pa ngayon.

Labis-labis nga ang nagpapasalamat si Cong. Arjo sa Distrito Uno.

Taos-pusong pasasalamat ang gusto nitong ipararing sa Distrito Uno.

“Maraming pagod, sakripisyo, at emosyon ang kaakibat ng bawat araw. Pero sa gitna ng lahat ng iyon, kayo ang nagsilbing lakas ko. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy akong tumatayo, lumalaban, at naglilingkod.

“Sa bawat pamilya na tumanggap sa amin, sa bawat kamay na aking nakamayan, at sa bawat mata na nagpakita ng tiwala, salamat sa inyo. Hindi ko kayo kailanman tiningnan bilang simpleng botante lang. Kayo ay inspirasyon, gabay, at dahilan kung bakit umiikot ang lahat ng ginagawa ko bilang inyong kinatawan.

“Sa lahat ng naniwala at patuloy na naniniwala sa ating adbokasiya, sa mga kasama nating nanindigan para sa tunay na pagbabago, hinding-hindi ko kayo bibiguin.

“Kasama ng buong Team Aksyon Agad, tuloy ang trabaho. Tuloy ang malasakit. Tuloy ang Aksyon Agad, serbisyong mabilis, tapat, at totoo.

“Muli, maraming salamat sa inyong tiwala at pagmamahal. Para sa inyo ang lahat ng ito.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …