Thursday , August 14 2025
Liza Diño Ice Seguerra Dr Anton Juan Choosing A Stage Play

Liza at Ice may inamin sa Choosing (A Stage Play)  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MATAPANG na ipinakita ng mag-asawang Liza Diño Seguerra at Ice Seguerra ang ilang usapin ukol sa kanilang relasyon sa pamamagitan ng ilang eksena na mapapanood sa rerun o reimagining ng kanilang Choosing (A Stage Play).

Nagpa-sampol ang mag-asawa kung ano ang matutunghayan sa muling pagsasadula ng Choosing na magaganap simula June 6-15, 2025, sa Doreen Black Box Theater, Areté, Ateneo de Manila University, Quezon City ay doo’y matapang nilang tinalakay kung ang panonood ba ng porn ay maituturing na panloloko sa partner/asawa at problema ng isang tulad ni Ice na nagnanais maging tunay na lalaki sa pamamagitan ng pagpapaopera o pagpapalagay ng ari ng lalaki.

Ayon nga sa direktor ng play, ang internationally renowned director Dr. Anton Juan, “in effect this is reimagining because when you look on the perspective of the play from act 3, you’re looking on the perspective…there are a lot of silences.”

Inamin din ng direktor na mapanganib ang ginawa nilang konsepto ngayon. “It’s a very dangerous concept of time where actually because the play build into narratives the way we created. I asked them 14 questions of themselves. So it’s not temporal. I gave them duration of thought. So it’s not that the kind of directing. This time it’s build on thought and moment and feeling flashing out within oneself.” 

Makabagbag-damdamin ang confrontation scene nina Stella (Liza) at Mitch (Ice) na ayon sa una, totoong naganap/nangyari sa kanila.

“It was really…the googling was true, because that exactly was how it played out when it happened and I needed to understand why porn is not synonimous in cheating. And I needed to add that for me that’s where I realized that Ice is.., because ang tagal ng isyu namin na iyon, it took a year for me to get over that.” 

Naniniwala kasi si Liza na ipinakita sa kanilang pagsasadula na ang panonood ng porn ay isang cheating.

“Because I felt like I was really cheated on and he needed to have an entire group of guys. Nagkaroon kami ng lunch and all of them giving their opinions on what sex is or what porn is for them and ako naman have lesbian friends and friends kasi nga I didn’t know he was a transman talaga eh.

“ And when we talked about it parang wala lang parang nanood lang sila ng teleserye. I needed to understand that in a way that relates to who Ice is as a person. Ano iyong side niya, why does he respond to this, and why hindi niya maintindihan where I coming from. 

“Talagang para kaming ganoon (magkasalungat). for the first time… Ice and I understand each other in so many ways, except for that. And talagang dumating sa point na I have to watch porn just to understand her,” pag-amin ni Liza.

Ipinarinig din ni Ice ang kantang nabuo mula sa monologue.

“But in-edit namin ‘yung monologue na ginawa ko at ang topic namin doon na ibinigay sa akin, hypothetical love. So I co-wrote the song with our physical director and Trisha Denisse. And para masaya rin bukod dito sa ‘Choosing’ na play, you will also hear it when I release my next album, ‘Lost In Time’ ang title ng kanta.”

Ang Choosing (A Stage Play) ay isinulat ni Liza at nagbabalik muli ngayong 2025 sa entablado.

At sa pagbabalik, magkakaroon ng pagkakataon ang netizens na maranasan ang isang matapang at malalim at nakaaantig na kuwento tungkol sa pag-ibig, pagkakakilanlan, at mga pagpipiliang tumutukoy sa atin.

“Through Fire and Ice LIVE!, we are committed to showcasing world-class Filipino productions and keeping our local performing arts scene thriving,” ani Liza, co-founder of Fire and Ice LIVE. “This play embodies our vision of making Filipino creativity a global experience, telling a story that is both deeply personal and universally resonant.”

Isang dula na malalim ang tema at personal na Kahalagahan.

Ang Choosing ay isang genre na hango sa totoong buhay,mga karanasan ng mga performer, mag-asawa na aarte para sa entablado. Ang kuwento ay ukol kay Stella, isang  cisgender, at si Mitch, isang transgender, habang iniisip nila ang mga mahahalagang sandali sa kanilang buhay—mula sa maagang pagkamulat sa sarili at sekswalidad hanggang sa mga pagsubok na kanilang nalampasan habang magkasama. 

Sinasaliksik din sa dula ang mga tema ng pagkakakilanlan ng kasarian, pag-ibig, trauma, pagpapagaling, at personal na pagbabagong-anyo, na binibigyang liwanag ang madalas na hindi sinasabing mga hamon ng mga relasyong nagna-navigate sa malalim na pagbabago.

Mula nang ipalabas ito, pinuri na ang Choosing ng mga kritiko at theatergoers. Inilarawan bilang isang “matapang, nakapupukaw ng pag-iisip na tumatalakay sa pagkakakilanlan at mga relasyong may katapatan at puso.”  Pinuri rin ang produksyon nito dahil sa matapang na pagkukuwento, nakahihimok na mga pagtatanghal, at emosyonal may kalaliman.

Sa muling pagtatanghal ng Choosing ngayong 2025 nangangako ang bumubuo nito lalo pang tumapang ang mga isyung pag-uusapan. Bukod kay Dr. Anton na magdidirehe kasama rin ang kompositor na si Vincent A. De Jesus, na naghahabi ng isang evocative musical score sa salaysay.

“This rerun is our way of responding to the overwhelming support for ‘Choosing,’” ani Ice na co-producer at  nagbigay ng mga dagdag na monologue para sa rerun. “The conversations that started after our first staging continued long after the final curtain call. We knew we had to bring it back—for those who missed it and for those who want to experience it again with fresh eyes.”

Ang 2025 run ay kasabay pagdiriwang ng Pride Month. Ang mga pagtatanghal ay gagawin sa June 6–15, 2025 (Limited two-weekend engagement) Doreen Black Box Theater, Areté, Ateneo de Manila University (Quezon City); Fridays & Saturdays at 7:00 p.m. | Matinees on Saturdays & Sundays at 2:00 p.m. (Exact schedule to be announced). Ang ticket ay available na simula pa noong March 15, 2025, via Ticket2Me. At ito ay nagkakahalaga ng–VIP- Php 2,200, Platinum- Php 2,000, Gold- 1,800, Silver- Php 1,500.

Para sa ibang katanungan, tumawag sa Fire and Ice LIVE! at 0917-700-3262 o sa tickets@fireandice.ph.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cecille Bravo Aking Mga Anak

Philanthropist-Businesswoman Cecille Bravo mahusay sa Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla MARAMING nagulat sa ipinakitang husay sa pag-arte ng Philanthropist at Celebrity Businesswoman …

Elias J TV Beverly Labadlabad

Selos dahilan ng away nina Beverly at Elias 

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ng businesswoman-talent manager na si Ms. Beverly Labadlabad ang bali-balita na may …

Gary V Angeli Pangilinan

Gary V nakaranas ng tunay na himala

MA at PAni Rommel Placente NOONG August 6 ipinagdiwang ni Gary Valenciano ang kanyang 61st birthday kasabay …

Toni Gonzaga Bayani Agbayani Alex Gonzaga Isko Salvador Brod Pete Eric Nicolas

Bayani inilaglag si Alex, pinuri si Toni

MA at PAni Rommel Placente SA bagong game show ni Toni Gonzaga na Ang Tanong, ay naging players …

Vanderlei Zamora

Vanderlei Zamora bagong aabangan sa mundo ng pageantry 

MALAKI ang tsansang makuha ni Vanderlei Zamora ang titulo bilang Mister Teenager Universe 2026 na gaganapin sa Surabaya, Indonesia …