MATABIL
ni John Fontanilla
PANALO ang aktor na si Arron Villaflor sa unang sabak sa politika sa bayan ng Tarlac na tumakbo itong Board Member ng 2nd District.
Nakakuha ng kabuuang boto na 119,412 ang aktor. At sa pagwawagi, ipinangako ni Aaron na gagawawinang lahat ngmakakaya para mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan sa Tarlac.
Post nga nito sa kanyang Facebook account bilang pasasalamat sa mga taong sumuporta at naniwala sa kanya.
“Nais ko pong magpasalamat sa tiwala at suporta na ibinigay niyo sa buong paglalakbay natin sa laban na ito. Kayo po ang nagluklok sa akin sa posisyon ko ngayon. Hinding hindi ko po sisirain ang tiwala na binigay niyo sa akin. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya.
“Maraming Maraming Salamat Po.”
Wagi rin ang halos lahat ng kaalyado ni Arron sa #TeamAngeles.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com