Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nick Vera Perez

International singer-nurse Nick Vera Perez, proud maging mama’s boy sa mahal na inang si Visitacion Tan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HUMAHATAW ngayon sa kaliwa’t kanang 2025 album tour ang Filipino-American singer at doctor of nursing na si Nick Vera Perez. Ito’y bilang promo ng kanyang fourth all-original OPM album titled ‘Parte Ng Buhay Ko’.

Unang na-release online noong 2022, ang album ay patuloy na kumukurot sa puso ng maraming listeners. Ang nine songs na kinapapalooban nito ay espesyal na isinulat para kay Nick ng composer na si Adonis Tabanda.

Ang bawat awitin dito ay hinggil sa kuwento ng love, pain, hope, at healing.

Ang mga kanta rito ay ang ‘Biyaya’, ‘Paghilom ng Sugat’, ‘Titig’, ‘Lihim ng Puso’, ‘Kalendaryo’, ‘May Tayo Ba?’, ‘Pangarap Ko’y Ikaw’, ‘Sana’y Mapansin’, at ang title track na ‘Parte Ng Buhay Ko’.

Kilala rin sa tawag na International singer-nurse, si Nick ay kasalukuyang abala sa series of appearances sa TV, radio, malls, and outreach events. Nauna na rito ang EAT Connect Na with Belle Surara sa NET25, Letters & Music sa NET25, John Lemon On Air sa Eagle FM 95.5, KCC Mall de Zamboanga – Special Mother’s Day celebration sa piling ng kanyang beloved mother, Visitacion Tan.

Kabilang din dito ang ang Eto Pala Ang Latest (E.P.A.L) on DWAN Radio and Marisol Academy sa May 15, Smile World Charity Outreach sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at WEJ-A Minute sa Radyo Agila DZEC 1062, Live performance sa Robinsons Novaliches sa May 21, WISH 107.5 Bus sa May 23 sa Sta. Lucia Mall, at sa May 25 sa Isetann Recto.

Kasasama ni Nick sa promo-tour na ito ang talented Eternal Diva na si Ms. Evelyn O. Francia, at ang rising singer na si Hannah Shayne. Sila ay magpe-perform din sa stage.

Abangan ang iba pang pag-anunsiyo ng dates at shows nila, para bigyan ang kanyang fans ng more opportunities na makita si Nick na mag-perform ng live at manalo sila ng surprise gifts.

Despite sa kanyang busy schedule, mahalaga kay Nick ang family time especially with his mother, Ms. Visitacion.

Aminado rin siyang mahal na mahal niya ang kanyang ina. In fact, aminado si Nick na proud siyang maging isang mama’s boy.

Seryosong pahayag niya, “I’m not ashamed to be called mama’s boy. In fact, I’m really proud to be a mama’s boy. Ewan ko e, iba iyong saya e. Iba iyong saya kapag natutulungan ko si mama.

“Then whenever she’s happy, I’m very happy… Iba iyong saya e, hindi ko maintindihan. Kahit iyong medyo minsan ay pasaway na si mama, iyong oa na siya…,” nakangiting sambit ni Nick.

“Ewan ko, basta sa akin, ipinangako ko sa kanya na I will save all my resources so that I can provide everything to her.”

Pagpapatuloy pa ni Nick, “She’s been part of my life and I’m really thankful, every single day sa Diyos at siya ang ibinigay sa akin na maging ina. Marami namang puwede, pero siya ang ibinigay sa akin.”

Anyway, abangan ang mga bagong nilulutong albums ni Nick. Kasama rito ang pagre-release at pagpo-promote ng kanyang ika-limang studio album, na isang gospel collection na pinamagatang ‘Unafraid’. Nakatakda ang pag-release nito at promotional tour ngayong 2025. Kasama rin sa mga gagawin ni Nick ang isang dance album.

Para sa karagdagang detalye, i- follow si Nick Vera Perez sa kanyang social media accounts.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …