Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atty Lorna Kapunan

Katulad ng pagpili ng yaya ng anak
BUMOTO NANG TAMA – KAPUNAN

051225 Hataw Frontpage

IBOTO ang tamang lider ng bayan, hindi ang mga kandidato ni VP Sara Duterte na isang baliw, bastos at kawatan ng pondo sa kaban ng bayan.

“Dapat magalit na ang tao. Mga nanay at tatay, kapag kumuha kayo ng mag-aalaga sa anak ninyo, hindi ba gusto ninyo ang mapagkakatiwalaan na tao? Gano’n din dapat ang gawin ninyo sa pagpili ng political leaders dahil sila ang mag-aalaga sa future ng bayan natin, ng future ng inyong mga ana11k,” ani Atty. Lorna Kapunan sa isang panayam.

Kaugnay nito, sinabi ni Kapunan, “Hindi magandang halimbawang ina si Duterte kung kaya’t paanong paniniwalaan na dapat iboto ang mga ini-endoso niya.

Iginiit ni Kapunan, ang hindi magandang asal ni Duterte ay hindi dapat balewalain ng tao kundi dapat ikonsiderang huwag suportahan ang kanyang mga inendoso dahil sa huli ay baka magkakasing-ugali na rin sila.

“Naririnig natin siya mismo ang nagsasabi sa mga rally, naririnig natin siya mga sinasabi niyang lumabas sa bunganga niya to caught her favorite mayor of Manila e hindi lang basura kundi dugyot hindi ba garbage in garbage out, even when she talks about character of other people nakikita ang kanyang mental stability,” pagilinaw ni Kapunan.

Payo ni Kapunan sa lahat, pag-isipang mabuti ang karapat-dapat na iboto at hindi iyong inendoso ng kilala at mataas ang tungkulin ay iboboto agad gayong wala namang magandang pag-uugali at sa tamang pag-iisip ang nag-endoso.  (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …