Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

051025 Hataw Frontpage

HATAW News Team

NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May 12 midterm elections na hanggang ngayon, 10 Mayo, Sabado, ang huling araw ng pangangampanya para sa eleksiyon sa Lunes.

Ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia, mahigpit nang ipinagbabawal ng batas ang pangangampanya simula sa bisperas ng halalan, 11 Mayo, Linggo, hanggang sa mismong araw ng halalan, 12 Mayo.

“Pinapayohan po natin ‘yung mga kandidato na may pagkalalaking tarpaulin pa sa mga highway. Maganda po na pakitanggal na lahat ‘yan,” paalala ni Garcia.

“Hindi po namin mapipigilan ang kahit na sinong magkakalaban na mag-file ng kaso laban sa inyo, sapagkat ‘yung presensiya ng mga tarpaulin, ng mga campaign materials na nasa mga kalsada ay simbolo pa rin ng pangangampanya, and therefore, dapat po ‘yang ipatanggal,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Garcia, iiral na rin simula sa Linggo ang liquor ban.

Ang mga lalabag sa liquor ban ay maaaring maharap sa parusang pagkakulong ng hanggang anim na taon.

“Huwag po muna tayo mag-iinom [ng alak] sa panahong ito. Ipagpaliban na lang po, kung hindi man ay sa bahay na lang kung hindi talaga kayang mapigilan. Bawal na bawal po ‘yan. Nagsaya ka nga nakulong ka naman ng anim na taon,” pahayag ng poll chief, sa isang ambush interview.

Exempted sa liquor ban ang mga hotel, resorts, restaurants, at iba pang establisimiyento na accredited ng Department of Tourism (DOT) bilang tourist-oriented ngunit kinakailangang sila ay mayroong naunang written authority.

Maging ang sabong ay bawal din muna at dapat na itigil.

“Kahit ‘yong pagsasabong kinakailangang matigil muna ‘yan dito po sa ating papalapit na halalan,” ani Garcia.

“So ‘yon po ay warning lang para hindi po kayo nagkakaproblema,” aniya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …