Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Puregold Nasa Atin Ang Panalo OPM Con 2025 SB19, BINI G22 KAIA Skusta Clee Flow G Sunkissed Lola

Puregold Nasa Atin ang Panalo magtatampok ng mga bagong musikero at mga pasabog

ITATAMPOK muli ng Puregold ang talentong Pinoy kaugnay ng pangakong kumonekta sa kabataang Filipino, sa mga nagmamahal sa musika, at mga araw-araw na nangangarap at nakikita ang musika bilang ritmo ng buhay. Nagbabalik ang Nasa Atin Ang Panalona mas pinalaki at pinabongga.

May mga bagong miyembro dagdag sa pamilya ng Puregold, tatlo sa mga pinakamaingay na pangalan sa lokal na industriya ng musika—G22, Skusta Clee, at KAIA—handog ang kanilang tinig, pagsusumikap at lakas, at ang kanilang kuwentong panalo.

Kilala bilang alpha females ng P-Pop, pinabibilib ng G22 ang mga tagapanood sa boses nilang malakas ang dating, at hindi-mapapantayang enerhiya. Mula sa kanilang debut noong 2022, nakapaglabas na sina AJ, Alfea, at Jaz ng mga hit gaya ng Bang, Boomerang, Limitless—at ang pinakabago, Pa-Pa-Pa-Palaban.

Inilabas ng G22’s ang music video na kolaborasyon nito kasama ang  Puregold, ang Pagpili noong April 9, at mabilis itong nakalikom ng higit tatlong milyong view sa loob lamang ng dalawang linggo. Ang makapangyarihang mensahe ng kanta ay paalala sa lahat na pumili nang buong tapang at ipagmalaki ang napili.

Samantala, naglabas naman ng kantang Sari-Saring Kwento si Skusta Clee, isa sa pinakaimpluwensyal na pangalan sa Pinoy hip-hop, kasama ang talentadong rapper ding si Flow G.  Tampok sa kanta ang matatalas na mga linya at mensaheng tiyak tatama sa mga Filipinong tagapakinig.

Kasama rin sa Nasa Atin Ang Panalo ang KAIA, isang P-Pop group na kilala sa kanilang mga visual at nakai-inspire na mga kanta. Ilalabas nina Angela, Charice, Alexa, Sophia, at Charlotte ang kanilang Kaya Mo music video sa Hunyo 12, sa Araw ng Kalayaan, para ipagdiwang ang kalayaan at tatag ng mga Filipina.

Nagbago na rin ang ‘Nasa Atin Ang Panalo’ at nagkaroon ng mas malaking kahulugan higit sa isang kampanya—isa itong pagdiriwang ng mga pangarap at talento ng mga Filipino,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold. “Sa pamamagitan nito, umaasa kaming maibibida ang mga artistang Pinoy at mahikayat ang mga miyembro at tumatangkilik ng Puregold na mangarap pa habang nakikita ang musikang panalo sa entablado.”

Subalit paparating pa lamang ang pinakamalaking selebrasyon.

Dapat nang markahan ng mga nagmamahal sa musika at mga mamimili ng Puregold ang Hulyo 5, 2025 sa kanilang mga kalendaryo, ang araw na titingkad ang Philippine Arena dahil sa Puregold OPMCON 2025. Mapapanood dito ang pagtatanghal ng mga musikerong katambal ng Puregold—SB19, BINI, G22, KAIA, Skusta Clee, Flow G, at Sunkissed Lola. Ito na ang pinakamalaking kaganapan sa OPM ngayong taon, isang gabi ng musika at talentong Pinoy.

Abangan ang unang pagbebenta ng tiket sa Mayo 16 at 17 sa Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention sa World Trade Center sa Pasay City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Net Kanda Lea Salonga

Thai singer/actress napaiyak nang makita si Lea

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Thai singer/ actress na si Net Kanda nang makita at …

D GRIND Presentsm D PURPOSE 2026 MANILA

D’GRIND Presents…D’ PURPOSE 2026 MANILA

MATABILni John Fontanilla MULING magkakaroon ng dance workshop at recital ang nangungunang dance group sa …

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal …

 Joel Lamangan All About Her

Direk Joel sa pagdidirehe ni Coco—May mata siya, marunong mag-position ng camera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA sa magagaling na direktor si Joel Lamangan kaya naurirat namin ito ukol …