Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

050925 Hataw Frontpage

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi ng nangungunang partylist sa nalalapit na halalan sa 12 Mayo 2025, ACT-CIS Partylist, ang higit sa P1.4 bilyong halaga ng tulong mula sa pamahalaan sa mahigit 300,000 benepisaryo mula sa iba’t ibang panig ng bansa mula 2024 hanggang sa kasalukuyan.

Nanguna sina ACT-CIS Representatives Erwin Tulfo, Edvic Yap, at Jocelyn Tulfo sa pagtulay sa mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE) para matulungan ang mga nangangailangang Filipino ng tulong mula sa kanilang mga tanggapan.

Narito ang breakdown ng mga serbisyong panlipunan na naipamahagi, sa kasalukuyang tala:

· Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP): P296,757,862.44

· Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP): P335,700,000

· Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS): P502,216,195.48

· Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD): P150,000,000

· Sustainable Livelihood Program (SLP): P115,000,000

“Lubos kaming nagpapasalamat sa tiwalang patuloy na ibinibigay ng mga Filipino sa ACT-CIS. Ito ang dahilan kung bakit patuloy kaming nagsisikap sa Kongreso: upang maging kakampi ng mga naaapi at boses ng mga walang boses sa lipunan,” ani ACT-CIS representative at senatorial candidate Erwin Tulfo.

Sa loob ng maraming taon, naging matatag na tagapagtaguyod ang ACT-CIS ng mabilis at epektibong paghahatid ng serbisyong panlipunan, lalo sa mga mahihirap at bulnerableng sektor.

Simula nang makakuha ng puwesto bilang kinatawan ng mamamayan, naging maaasahang tulay ito para sa iba’t ibang anyo ng tulong mula sa pamahalaan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …