Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok sa Magic 12 kaysa manalo si Senador Nancy Binay laban sa kabiyak nitong si Atty. Luis Campos sa mayoralty race ng Makati City.

Sa kanyang speech kamakailan sa campaign trail sa lungsod, sinabi ni Abby Binay na pumunta siya sa rally upang ikampanya ang Team United na pinamumunuan ng kabiyak na si Atty. Campos na tumatakbong alkalde laban sa kapatid nitong si Senador Nancy Binay.

Aniya, sa mamamayan na dumalo sa rally, kahit hindi siya iboto bilang senador, basta iboto lamang ang straight Team United.

Tumatakbo ang kapatid nitong si Senador Binay sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) ang partidong itinayo ng ama nilang si dating Vice President Jejomar Binay.

“Andito ako sa pagbigay ng suporta sa Team United. Sasabihin ko ito, kahit huwag n’yo na akong iboto, iboto n’yo na lang straight ung Team United.  Ganito po kaimportante sa akin ang Team United,” ani Abby Binay.

Sinabi pa ni Abby Binay na huwag na rin siyang ikampanya sa Makati City dahil mas importante sa kanya na manalo ang buong slate ng Team United sa Makati.

“Sinasabi na ikakampanya daw po ako, tumatakbo akong senador sa Senado, huwag n’yo na akong ikampanya, dahil mas importante po sa akin ang manalo ang buong slate ng Team United sa Makati,” ani Abby Binay.

Aniya, bonus lamang ang kanyang pagtakbo sa Senado na hindi naman niya ikamamatay (sakaling matalo) at mas gugustohin niyang makitang manalo ang kabiyak kaysa manalo si Senador Nancy.

“Iyong pagtakbo sa Senado ay bonus lang hindi ko naman ikamamatay, hindi naman ako masyadong excited pero kung mananalo man tayo sa Senado, itaga n’yo sa bato, lagi nyo akong makikita sa TV,” aniya.

Ngunit, sakaling masungkit ang puwesto sa Senado, tiniyak ni Abby Binay na ‘makikipag-away’ siya hinggil sa nangyari sa 10 barangay ng EMBO na ibinigay ng Supreme Court sa Taguig City.

“Lagi n’yong maririnig ang boses ng isang senador na taga-Makati, Lagi n’yo akong makikitang makikipag-away doon. Bagay na bagay ako roon. Feeling ko nga parang ninerbiyos na sila, kailangan po natin sa senado,” ayon kay Abby Binay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …