Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hiro Magalona Ricky Davao

Hiro Magalona nanghinayang sa pagkawala ni Ricky Davao

MATABIL
ni John Fontanilla

SOBRANG nalungkot ang aktor na si Hiro Magalona dahil pagkatapos mamaalam ng National Artist at Superstar Nora Aunor ay ang batikang direktor at aktor namang si Ricky Davao na pareho niyang nakatrabaho sa Little Nanay.

Ayon kay Hiro isa si direk Ricky sa sobrang bait na direktor at ‘di maramot sa pagbabahagi ng kanyang knowledge about showbiz.

“Grabe ang sobrang kabaitan ni direk Ricky sa buong taping namin ng ‘Little Nanay’ once ko lang siya nakita magalit sa set.

“’Yun ‘yung sobrang ingay sa set. So napilitan siya sumigaw kasi may hinahabol na eksena na ipalalabas, then biglang bulong na minsan kailangan daw magpakita ng ganoon para hindi ka abusuhin. Sabay ngiti, ganoon siya kabait at ka-cool na direktor. 

“Lagi lang siya nakangiti, sobrang goodvibes po sa set.”

Ang isa sa nagustuhan ni Hiro kay direk Ricky ay labis-labis na pagmamahal niya sa Industriya at pagiging galante sa pags- share ng mga knowledge niya tungkol sa showbiz. 

“What I loved about direk Ricky is ‘yung craft n’ya and passion sa pag- arte. We often have conversations about movies and tv shows, makikita mo roon ‘yung pagmamahal n’ya sa industriya.

“At sobrang generous niya sa pagsi-share niya sa aming mga baguhang artista ng lahat ng natutunan niya sa showvbz, kaya naman sobrang mami-miss ko siya.

“Thankful lang ako at nagkaroon ako ng pagkakataong makatrabaho siya at marami akong natutunan sa kanya.

“Isang malaking kawalan sa industriya ang pagkawala ni direk Ricky, na isa sa masarap na katrabahong aktor at direktor sa bansa,” giit pa ni Hiro.

Sa ngayon ay balik pag-arte muli si Hiro sa advocacy film na Sa Aking Mga Anak ng Dreamgo Productions na idinirehe ni Jun Miguel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …