Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang

Vivamax King na si Benz Sangalang tumawid sa mainstream, hahataw sa ‘Totoy Bato’ ng TV5

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAGKAHALO ang naramdaman ng hunk actor na si Benz Sangalang nang dumating sa kanya ang proyektong “Totoy Bato” na pinagbibidahan ni Kiko Estrada at napapanood na ngayon sa TV5.

Aniya, “Siyempre po hindi mawawala iyong excitement, magkahalo e. Pero…babalik ka kasi sa ibaba, e. Kasi parang nagsisimula ka ulit like sa Vivamax, na hindi ka naman iyong pinaka-lead talaga.

“So, rito ay ganoon, na malalaking artista na iyong mga kasama ko.”

Pagpapatuloy ni Benz, “Tapos ay may gusto rin akong patunayan siyempre…Parang blessing in disguised din na may nangba-bash sa akin. Kaya gusto ko talagang ipakita na may nararating din naman tayo.

“So, masasabi ko po ngayon na mas pursigido talaga ako. Dapat talagang focus ako rito, tutok talaga.”

Dagdag ng aktor, “Siguro, masasabi ko na itong Totoy Bato, iyong first step na gusto ko… na eventually ay sumabak sa action genre na pang cinemas po sana. Iyon po ang main goal ko talaga.

“Hopefully, nararamdaman ko po na mangyayari rin iyon, darating din iyon.”

Ano ang pakiramdam niya na nakatawid na siya – na mula sa pagiging Vivamax o VMX sexy actor, ngayon ay nasa primetime TV series na rin si Benz?

“Well, sa akin ay matagal akong tahimik lang e, sabi ko nga ay may gusto akong patunayan, kaya talagang mas gagalingan ko pa.

“Hinihintay ko naman talaga na dumating po ang opportunity na ito. Masaya po ako, napatunayan ko nang nagawa ko na lahat sa VMX tapos eto na po. Sabi nga nila, your success silence doubters,” nakangiting sambit ni Benz.

Nagkuwento pa siya ukol sa Totoy Bato.

Pahayag ni Benz, “Ako po rito si Mason Buenaflor, ang pinsan ni Dwayne (Diego Loyzaga). Ang role ko rito ay maiko-compare ko sa mga bad boy roles ko sa VMX, like iyon pong sa “Sitio Diablo” at “Karinyo Brutal”.

“Masasabi kong modern version po siya ng kay FPJ. Si Kiko Estrada po si Totoy Bato at ang direktor po namin dito ay si direk Albert Langitan.” 

Tuloy-tuloy na ba ito o puwede pa rin siyang gumawa ng projects sa VMX?

“Siguro po kapag natapos dito, puwede rin akong gumawa sa VMX paminsan-minsan, pero hindi ko naman din control po iyon.

“Pero… si Boss Vic na po bahala riyan. Pero sa totoo lang po, kung ako ang tatanungin, why not? Kung maganda naman ang project at magaling ang director,” pakli pa ni Benz.

Super-saya naman at proud ang manager ni Benz na si Jojo Veloso sa development na ito sa career ng kanyang talent. Na mula sa pagpapa-sexy ay napapanood na si Benz pati ng mga bata sa isang serye.

“Masaya ako sa pangyayaring ito and nakikita ko naman talaga sa kanya na masipag, professional, at focus sa kanyang career si Benz. So, talagang papunta na rin siya sa pagiging seryosong actor,” esplika ng kilalang talent manager.

Star-studded ang Totoy Bato, kabilang sa mga bituin nito sina Eula Valdes, Diego Loyzaga, Mark Anthony Fernandez, Bea Binene, Cindy Miranda, Nonie Buencamino, Mon Confiado, Art Acuna, Joko Diaz, Katya Santos, Kean Cipriano, Jackie Lou Blanco, at marami pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …