Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marikina

Tao ni Quimbo, nagsampa ng kaso vs Teodoro

TAO at masugid na tagasuporta ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang nagsampa ng kasong vote buying laban sa mag-asawang sina Marikina Mayor Marcy Teodoro at Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro.

Batay sa pagbusisi sa Facebook ni John David Reyes Ramos, ang nagsampa ng kaso laban sa mga Teodoro sa Commission on Elections, lumilitaw na siya’y masugid na tagasuporta at tagapagpakalat ng mga propaganda ni Quimbo.

Panay ang batikos ni Ramos sa kampo ng mga Teodoro sa kanyang mga post habang puro papuri sa mga Quimbo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ni Quimbo ang kanyang mga tao para magsampa ng walang basehang kaso laban sa mga Teodoro.

Magugunitang napaamin ng media si Sofronio Dulay na kaalyado siya ng mga Quimbo sa isang panayam matapos siyang magsampa ng kaso laban kay Mayor Teodoro sa Office of the Ombudsman.

Sa kanyang Facebook, panay ang puri ni Dulay kay Quimbo at isini-share din niya ito sa iba pang Facebook page na may kinalaman sa Marikina.

Inisyuhan kamakailan ng Comelec si Quimbo, na tumatakbong alkalde ng Marikina at asawa nitong si Miro Quimbo, na tumatakbo bilang kongresista ng 2nd District ng siyudad dahil sa vote-buying at Abuse of State Resources (ASR).

Naiulat na isang lalaki ang namatay sa gitna ng isang payout activity ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ni Quimbo sa Marikina Sports Center.

Batay sa inisyal na ulat, pumila ang 20-anyos lalaki  sa payout site kasama ang kanyang live-in partner mula umaga hanggang hapon at doon na nakaranas ng hirap sa paghinga at nawalan ng malay sa lugar.

Dinala siya sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) at idineklarang patay ng mga doktor bandang 5:09 ng hapon.

Batay sa paunang ulat, ang biktima’y namatay dahil sa atake sa puso dulot ng labis na pagod at init.

Sa isa pang video, makikita ang mahabang pila ng mga residente habang nakabilad sa matinding init ng araw sa labas ng Marikina Sports Center

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …