Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on Elections (COMELEC) kaugnay ng sinabing pamimili ng boto na naganap sa isang pagtitipon sa Barangay Comembo noong 2 Mayo 2025.

Sa gitna umano ng aktibidad ay lumitaw ang pangalan ni Lino Edgardo S. Cayetano, na tumatakbong kongresista.

Sa kanilang mga salaysay, sinabi ng mga trike driver na kabilang sa iba’t ibang Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) — na nilapitan sila ng dalawang babae na nakaputing damit at may suot na ID. Inimbitahan umano sila upang tumanggap ng tig-10 kilong bigas.

Dinala sila sa isang garahe sa Kamagong Street, sa tapat ng covered court ng Comembo, kung saan ginanap ang isang programa na dinaluhan ng mahigit 70 tricycle drivers mula sa iba’t ibang TODA.

Ayon sa ulat, kapansin-pansin sa lugar ang mga pulang tarpaulin na may pangalan ni Lino Cayetano, at bago ang pamimigay ng ayuda ay may nagtanghal pa ng awit.

Ikinuwento rin ng mga driver na pinuri sila ng host bilang mga “bayani” ng lungsod at binigyang-diin na pinahahalagahan ni Cayetano ang kanilang serbisyo —na tila paalala na hindi sila nakakalimutan.

Bawat isa ay binigyan ng 10-kilong sako ng bigas na nakaimpake sa itim na eco-bag na may tatak na “BIDA TAYO.”

Binanggit sa reklamo ang COMELEC Resolution No. 11104, Section 26, na nagbabawal sa pamimigay ng anomang uri ng tulong na may pangalan, larawan, o simbolo ng isang kandidato, kaanak, tauhan, o tagasuporta sa panahon ng kampanya.

Ayon sa batas, ang ganitong mga kilos ay itinuturing na uri ng pamimili ng boto.

Nanawagan ang mga tricycle driver sa COMELEC na agad imbestigahan ang insidente at magpatupad ng karampatang aksiyon sa harap ng posibleng paglabag sa batas ng halalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …