Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon ipinagtanggol si Kiko — Maayos siyang tao at may hanapbuhay bago kami ikinasal

I-FLEX
ni Jun Nardo

IPINAGPATULOY ng  mag-inang Roselle at  Atty. Keith Monteverde ang pagtulong sa tumatakbong kandidato na sinimulan ng ina nilang si Mother Lily at  suportado rin  nila.

Kaya naman matinding pasasalamat ang ibinigay ng mag-asawang Senator Kiko at Sharon Cuneta Pangilinan nang iharap sila sa entertainement media bilang tulong sa kandidatura ng senador.

Food security at agrikultura ang nais ni Kiko sa bansa lalo na sa magsasaka na pinagmumulan ng kinakain natin.

Kaya naman sa ads at slogan ni Sen Kiko, kasama na si Sharon sa slogan na, ‘Pag May Kiko, May Sharon Ka!

Alam ng mag-asawa na malaking tulong ang pagkain sa mahihihirap at sa mag-aaral. Kaya naman ito ang nais nilang paglaanan ng batas at oras.

Comic man ang dating ng slogan nila, naniniwala ang mag-asawa na kailangan ng Filipino ng pagkain sa kada mesa.

Hindi exempted si Sen. Kiko sa bashing at hate campaign. Pero ipinagdiinan ni Shawie na maayos na tao at may hanapbuhay si Kiko bago sila nag-asawa.

Ipnagdasal ko talaga na magkaroon ng asawang makakasama ko sa habambuhay at si Kiko ang ibinigay ng Diyos at walang pagsisisi !” pahayag ni Sharon na kagulat-gulat ang ipinayat, huh.

Tulungan natin si Senator Kiko na mapabilang sa bagong senador sa halalan sa Lunes, Mayo 12.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …