Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Picnic tagos sa puso, Mother’s Day offering ng Nathan Studios

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

 NAGBABALIK ang Nathan Studios sa Picnic, isa na namang groundbreaking at moving na pelikula na tiyak swak sa panlasa ng mga  Pinoy. 

Unang ipinalabas ang Picnic sa South Korea at idinirehe ni Kim Yong-gyun. Nabuo na sa isipN ng Nathan Studios ang pelikulang ito bilang isang Filipino-language movie.

Patuloy na pagiging tapat at consistent ang Nathan Studios sa commitment nito sa paghahain ng mga kakaiba at de kalidad na istorya para sa mga Pinoy. Kaya naman pinili nila ang Picnic bilang Mother’s Day offering ngayong 2025. 

Sa pamumuno ni Ria Atayde, President at CEO ng Nathan Studios, binigyan nila ng distinct Pinoy  flavor ang Picnic nang pinagsama-sama nila ang isang intergenerational cast na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood.

Nais ng Nathan Studios na ma-experience ng mga Pinoy ang istorya. 

Hatid ng Picnic ang mga tema na tunay na mahalaga para sa mga Filipino gaya ng pagtanda, mga komplikadong family dynamics, pakikipag-kaibigan, at ang paglalakbay ng mga kababaihan bilang mga ina.

Nakaaantig ang Picnic sapagkat ipinakikita nito ang tunay na  pagmamahalan na subok na ng panahon.

Gagampanan ng award-winning actress na si Ces Quesada ang papel ni Eun-sim. Markado ang paganap ni Ces puno ng quiet strength at vulnerability.

Isinalarawan naman ng mga early reviews ang voice acting ng Pinoy Big Brother: Gen 11 winner na Fyang Smith — na ginampanan ang younger version ni Eun-sim — bilang isang scene-stealer.

Tampok din ang industry legend na si Nova Villa, na gagampanan ang papel ni Geum-soon, ang childhood best friend ni Eun-sim. Kaabang-abang ang kakaibang performance ni Nova na talaga namang tutunaw sa puso ng mga manonood.

Ang acting legend naman na si Bodjie Pascua ang kukompleto sa central trio ng pelikula sa kanyang sensitibong pagganap sa papel ni Tae-ho na haharapin ang kanyang mga nakatagong emosyon. 

At gagampanan  ng on-scren partner ni Fyang, si JM Ibarra ang papel ng batang Tae-ho na siyang nagbigay ng karagdagang lalim sa karakter.

Ang mga orihinal na aktor na tampok sa Picnic ay ang South Korean superstars na sina Na Moon-hee(Eun-sim), Kim Young-ok (Geum-soon), at Park Geun-hyung (Tae-ho). 

Kinunan ito sa Pyeongsan-ri, Namhae-gun na isang tahimik na village sa South Gyeongsang Province, na maraming lush visuals at serene rural landscapes na lalong nagpaganda sa pelikula.

Sa budget nitong 1.2 billion KRW ($911,000.00), USD$2.2M ang kinita ng original South Korean version ng Picnic.

Dalawang linggong nasa top spot ito ng independent at art-house box office charts ng South Korea at umani ng critical acclaim para sa sensitibong atake sa mga seryosong paksa.

Nominated din si Park Geun-hyung sa Best Supporting Actor category ng Baeksang Arts Awards — patunay sa husay ng pelikula. 

At makikita pa rin ang husay ng pelikula sa Pinoy dub ng Nathan Studios sapagkat ramdam pa rin dito ang lumalalim na misyon ng studio: ang makapaghatid ng magagandang istorya na tumatatak sa puso ng bawat Pinoy.

Kilala ang Nathan Studios sa mga kakaibang content nito. Mapa-genre-defying series man o daring casting choices, o kakaibang storytelling directions, tiyak na hindi “play safe” ang Nathan Studios. 

Sa kaso ng Picnic, muli na namang naghahain ang Nathan Studios na binabali ang nakasanayang konsepto ng pamilya.

Habang hindi naman nabago ng Filipino-dubbed version ang istorya, ginawa naman nitong mas swak sa panlasang Pinoy ang pelikula nang pinagsama-sama nila ang ilan sa mga respetadong artista ng Pilipinas para bigyang buhay ang mga karakter. 

Ang resulta ay isang viewing experience na pamilyar na pamilyar para sa lahat — ang pag-aalaga sa mga nakatatanda at pagpapahalaga sa mga kaibigan at pamilya.

Solid ang Nathan Studios sa paniniwala nito sa kapangyarihan ng storytelling kaya naman pangangaralan nila ang mga ina at kanilang mga pamilya.

Ipinakikita rin ng pelikula kung paano mabuhay ng may tunay na pagmamahalan.

Hindi lang tearjerker ang Picnic sapagkat kapupulutan din ito ng madaming aral.

Sapol sa puso ang Picnic.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …