Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lance Raymundo

Lance Raymundo balik-TV

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

BALIK telebisyon ang aktor/singer na si Lance Raymundo matapos ang sunod-sunod na hosting job sa mga international beauty pageant.  Mula Miss Teen International sa Cambodia, Miss Teen Universesa Colombia hanggang Miss Universe India. World-class host naman kasi si Lance kaya in-demand siya sa mga international event. 

Kamakailan ay bumalik siya sa totoong mahal niya— ang pag-arte. Nakapag-guest si Lance sa Lolong Season 2 sa GMA7 na pinagbibidahan ni Ruru Madrid na ang role ay isang may kayang gang leader na tinangkang gahasain si Ariella Arida

Mabuti na lang at hindi naging awkward ang scene kasi siyempre, beauty queen si Ariella tapos rape scene. 

“But it was executed well kasi magaling si Direk Rommel (Penesa). And of course, sa fight scene ay si Ruru ang kaharap ko who was really professional kaya smooth ang naging shoot,” pagbabahagi ni Lance.

Pero ang ikinatutuwa talaga ni Lance ay ang paglabas niya sa TADHANA na Mother’s Love episode (currently airing). Challenging daw kasi ang role niya dahil maaksiyon. 

Pulis ako sa story pero ako rin pala ang nagpapatakbo ng drug operation gamit ang mga student. Tapos may scene na natunton na kami ng mga kapwa ko pulis—and I had to jump from the balcony! May barilan at habulan scene pa so, exciting talaga.”

Hmm parang nalilinya si Lance sa action ha. Bagay din naman sa kanya ang maging action star, sa totoo lang.

Ibinahagi pa ni Lancr na nag-enjoy siya sa mga eksena niya lalo pa at magagaling ang mga kasama niya na sina Sheryl Cruz at Richard Quan. Feel nga niya ang mga action scene kaya sana masundan pa. 

Say pa ni Lance, nasa 2 Million views na rin ang eksenang inilagay niya sa Tiktok kaya lalo siyang natuwa. 

Hindi lang balik sa tv si Lance kundi balik din sa original manager niya na si Charlotte Dianco na isang filmmaker. 

Ayon nga kay Lance, may dalawang movies na din siyang naka-line-up na magsisimula after the election.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …