Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Abby Binay Pammy Zamora

Kaugnay ng sinabing vote buying sa campaign rally  
Binay, Zamora, inireklamo sa COMELEC

ISANG reklamo ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) laban kina Makati Mayor at tumatakbong senador Mar-Len Abigail “Abby” Binay at Taguig 2nd District Representative Amparo Maria “Pammy” Zamora dahil sa sinabing sabwatan sa pamimili ng boto sa isang campaign rally na ginanap sa Barangay Cembo noong 10 Abril 2025.

Ayon sa reklamo, nilabag umano nina Binay at Zamora ang Section 261 (a) at (b) ng Omnibus Election Code at Section 26 (p) ng COMELEC Resolution No. 11104 na mahigpit na nagbabawal sa pamimili ng boto at pakikipagsabwatan upang impluwensiyahan ang desisyon ng mga botante gamit ang pera o benepisyo.

Batay sa sinumpaang salaysay, ipinakilala ni Binay si Zamora sa rally bilang kanyang “counterpart sa Kongreso” at pabirong sinabi: “So mamaya po, magsasalita po si Cong. Pammy, papakitaan niya kayo ng mga limpak-limpak niyang pera dahil marami siyang pondo. Hehehehe. Yari ka, Pammy.”

Makikitang ngumiti lang si Zamora habang sinasabi ito ni Binay at hindi raw ito kinontra, bagay na itinuring ng complainant bilang pagpapakita ng pagsang-ayon. Para sa nagsampa ng reklamo, malinaw na binigyan nito ng ideya ang mga tagapakinig na may gantimpala kapalit ng suporta sa darating na halalan.

Binigyang-diin sa reklamo na hindi kailangan ng aktuwal na pamimigay ng pera upang masabing nagkaroon ng vote buying. Sapat na umano ang pag-aalok, pagbanggit, o pangakong may kaugnayan sa pera o benepisyo para mapasailalim ito sa paglabag sa batas. Ang pahayag ni Binay at ang tugon ni Zamora ay ginamit na batayan upang ipakita ang pagkakaroon ng sabwatan.

“Itong malinaw na pagpapalitan ng mensahe ay tahasang paglabag sa batas at pagsubok na impluwensiyahan ang resulta ng eleksiyon,” anang nagsampa ng reklamo.

Binanggit din sa reklamo ang mga naunang desisyon ng korte na nagpapakita na sapat na ang sabwatan para masabing may krimen kahit walang pisikal na pamimigay ng pera.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang mapatunayang sangkot sa vote buying ay maaaring makulong mula isa hanggang anim na taon, ma-disqualify sa paghawak ng posisyon sa gobyerno, at matanggalan ng karapatang bumoto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …