Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pamilya Ko Partylist 1st Nominee Atty Anel Diaz

Kapag nanalo sa Kongreso
PAMILYA KO PARTYLIST TINIYAK BAYAN MUNA, WALANG UTANG KAHIT KANINONG POLITIKO

TINIYAK ni Pamilya Ko Partylist 1st Nominee Atty. Anel Diaz na wala silang babalikan ng utang na loob sa sandaling mabigyan sila ng pagkakataon ng taong bayan na makaupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para maging kinatawan ng bawat pamilyang Filipino.

Ayon kay Diaz walang sinomang mataas na kilalang tao, politiko at mga negosyante ang nasa likod nila sa pagtakbo ngayong halalan.

Binigyang-linaw  ni Diaz na tanging ang taong bayan lamang na sumusuporta at patuloy na naniniwala sa kanilang partido ang dapat nilang balikan ng utang na loob.

Aminado si Diaz na ang mainit na pagsalubong at suporta sa kanila ng taong bayan ang kanilang pinaghuhugutan ng loob kung kaya’t nanatili silang lumalaban hanggang iproklama ang nananalong mga kandidato sa halalan.

Sa ilang mga natitirang oras bago ang araw ng halalan ay hindi naman naitagong magpasalamat ni Diaz sa lahat ng kaniyang campaign team at maging sa taongbayan na siyang nagbibigay ng tunay na lakas at suporta.

Tiniyak ni Diaz na sa sandaling sila ay palarin na mabigyan ng pagkakataon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay kanilang itutulak ang mga pangunahing batas na kanilang naipangako sa taongbayan.

Inamin ni Diaz, sa kanilang pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay lubhang naipaliwanag na nila sa taongbayan kung ano at sino ang Pamilya Ko Partylist na dahilan upang sila ay pumasok sa mga naglalabasang survey.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …