Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aguilar

Carlo Aguilar, mariing tinututulan Reclamation Projects sa Manila Bay

BUO ang paninindigan ni Las Piñas mayoral candidate at dating top city councilor Carlo Aguilar laban sa mga reclamation project sa Manila Bay.

Ayon kay Aguilar, ang mga proyektong ito ay hindi magdudulot ng tunay na pag-unlad kundi ng malawakang pagkasira ng kalikasan, matinding pagbaha, at pagkawala ng kabuhayan para sa mga komunidad sa baybayin.

“Ito ay hindi solusyon. Ang pagtatambak ng lupa sa dagat ay pag-abuso sa ating likas na yaman at isang panganib para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon,” ani Aguilar.

“Ang paninindigan ng Tropang Villar ay malinaw—tutol kami sa reclamation.”

Batay sa survey ng Grassroots Analytics Philippines, kinilala ng mga residente ng Las Piñas na ang pagbaha ang pangunahing problema sa lungsod.

 Ayon kay Aguilar, lalo pang titindi ang pagbaha kapag itinuloy ang mga reclamation project dahil haharangin nito ang natural na agos ng tubig at babawasan ang kapasidad ng mga daluyan ng tubig sa Metro Manila, lalo sa Las Piñas.

Binanggit ni Aguilar ang resulta ng Phase 1 ng Cumulative Impact Assessment (CIA) na iniatas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), kung saan malinaw na nakasaad na ang mga reclamation activity ay maaaring magdulot ng matinding pagbaha, pagkawala ng biodiversity, pagbagsak ng populasyon ng isda, at panganib sa kalusugan ng publiko.

“Hindi dapat binabalewala ang mga datos mula sa agham. Gamitin natin ito bilang gabay sa pagprotekta at pagpapabuti ng Manila Bay, hindi sa pagsira nito,” dagdag niya.

Nanindigan din si Aguilar sa panig ng mga mangingisda at komunidad sa tabing-dagat na matagal nang tumututol sa reclamation. Aniya, ang mga proyektong ito ay hindi lang sumisira sa kalikasan kundi nagtataboy sa mga taong matagal nang naninirahan at namumuhay sa pampang.

“Dapat ay tinutulungan natin ang mga komunidad sa baybayin—hindi sila pinapaalis para bigyang-daan ang mga proyekto ng iilan,” wika ni Aguilar. “Ang kailangan ng Manila Bay ay rehabilitasyon, hindi reclamation.”

Bilang alternatibo, isinusulong ni Aguilar ang mga programang nakatuon sa green infrastructure, natural flood control, at climate-resilient urban planning upang matiyak na ang pag-unlad ng Las Piñas ay kaakibat ng pangangalaga sa kalikasan.

“Ang Manila Bay ay hindi lang dagat. Isa itong likas na yaman, pinagkukuhaan ng buhay at kabuhayan ng marami. Tungkulin nating protektahan ito,” pagtatapos niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …