Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Abby Binay Supreme Court

Agenda ni Abby Binay sa Senado: Korte nais resbakan sa 10 EMBO barangays

 LANTARANG inamin ni Makati Mayor Abby Binay ang paghihiganti  laban sa desisyon ng Korte Suprema na ibigay sa Taguig City ang 10 EMBO barangays na tanging agenda kaya tumakbo sa Senado. 

Sa kanyang speech sa ginanap na campaign rally ni Congresswoman Pammy Zamora sa CEMBO kamakailan, sinabi ni Abby Binay na matagal nitong pinag-isipan kung tatakbo bilang senador.

Aniya, noong una, matagal ang kanyang pagmumuni-muni dahil hindi nalalaman ang tatakbuhin sa susunod na halalan dahil magtatapos ang kanyang termino bilang alkalde ng Makati City sa 2025.

“Andito po ako para magkampanya para sa aking sarili dahil ngayon tumatakbo tayo sa Senado, ang dahilan po noong una, sa totoo po matagal na pagmuni-muni hindi ko pa alam ang tatakbuhin ko, aniya.

Sinabi ni Abby Binay na maraming araw siyang umiiyak dahil wala siyang magawa sa desisyon ng Korte na ibigay ang 10 EMBO barangays sa Taguig City na legal na may sakop sa lugar.

Noong 2022, nagdesisyon ang Korte Suprema na ibinabasura ang petisyon ng Makati City na hindi dapat ibigay sa Taguig City ang 10 EMBO barangays dahil legal itong pagmamay-ari ng Taguig alinsunod sa itinakda ng jurisdictional boundary.

“Dahil kung tutuusin po, noong nangyari na ang masalimuot na nangyari sa mga EMBO, parang gusto ko nang mag-quit kasi hindi ko kaya ang ganito, na araw-araw kang umiiyak, tapos wala akong magawa, ‘yung feeling of helplessness, kasi marami pang umaasa sa akin, na hindi ko mabigyan ng solusyon ang problema at mayroon pang nangigigpit sa iyo at naninira sa iyo, sinabi ko kailangan ko ba ito, hindi ko ito kailangan,” aniya.

Sa puntong ito, inihayag ni Abby Binay na tumakbo siya sa pagka-senador upang iakyat  ang isyu sa Mataas na Kapulungan hinggil sa desisyon ng Korte na ibigay ang 10 EMBO barangays sa Taguig City.

“So marami akong simbahan na pinagsindihan ng kandila, marami po tayo, kinausap ko si Martina (Campos), kapag nakita n’yo si Martina mas malaki na siya sa akin, dalaga na kaya tayo nagdesisyon na tumakbo sa Senado dahil dadalhin natin ang laban sa Senado,” ayon kay Abby Binay.

Nitong 5 Mayo, nagpalabas ng temporary restraining  order (TRO) ang Regional Trial Court sa Taguig City na inaatasan si Mayor Abby Binay na alisin ang lahat ng nakasagabal sa paggamit ng   lahat ng government-owned facilities ng 10 EMBO barangays.

Ipinalabas ang Order nitong 5 Mayo ni Executive Judge Loralie Cruz Dataha ng RTC-Taguig na nagpapatupad sa ‘pinal at executory decision ng Korte Suprema sa G. R No, 235315 na kinompirmang nasasakop ng Taguig City ang Barangay Cembo, South Cembo, Comembo, East Rembo, West Rembo, Pembo (kabilang ang Rizal), Pitogo, Post Proper Northside, and Post Proper Southside—na kilala bilang EMBOs.

Sakop ng kautusan ang pasilidad tulad ng  health centers, covered courts, multi-purpose buildings, daycare centers, parks, at iba pang government properties na nakalaan sa public use sa ilalim ng Proclamation Nos. 518 at 1916.

Sa kabila nang pinal na desisyon ng Supreme Court noong 2022, hindi pumayag ang Makati na kunin ng Taguig ang lahat ng naturang pasilidad at isinara ng Makati ang ilang health centers at daycare centers kaya hindi nagamit ng taga-EMBO barangays ang pasilidad dahil ipinagkait sa kanila ng Makati ang paghahatid ng pangunahing serbisyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …