Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba pang uri ng krimen sa ilang bahagi ng Makati City sa kabila nang pagkakaroon ng P240 milyon confidential funds ni Mayor Abby Binay.

Nitong 2022 at 2023, nakapaglaan ang Makati City Council ng halagang P240 milyon kada taon para sa confidential funds na maaaring gamitin ni Abby Binay sa peace and order programs (POPs) na susugpo sa kriminalidaad alinsunod sa itinakda ng batas.

Ngunit sa kabila nang pagkakaron ng P240 milyong  confidential funds kada taon, tumaas naman o nagkaroon ng sharp increase ang insidente ng kriminalidad sa ilang bahagi ng Makati City na lubhang ikinabahala ng mga residente sa Salcedo Village.

Sa liham ng samahan, umapela ang mga residente ng Salcedo Village kay Mayor Abby Binay na tugunan ang tumataas na bilang ng kriminalidad sa kanilang komunidad kasunod ng “sharp increase” sa krimen tulad ng snatching, hold-ups, at kahit kidnapping incidents na iniulat sa nakalipas na siyam na buwan ng 2024.

Natuklasan pa sa https://insiderph.com/insider-info-residents-urge-action-on-rising-crime-in-makatis-salcedo-village, na lumiham ang residente kay Abby Binay noong Oktubre 2024, tinukoy ng kinatawan ng Salcedo Village residents ang lumalalang sitwasyong pangseguridad na sinuportahan ng crime statistics mula sa Barangay Bel-Air.

“The data revealed that, while Barangay Bel-Air’s total monthly crimes increased by 8 percent from 2023 to 2024, Salcedo Village alone saw a 17 percent rise in incidents during the same period — more than double the average rate of surrounding environs,” ayon sa residente.

“Alarmingly, the area accounts for 71 percent of all crimes in the barangay,” ayon sa residente.

Tinukoy pa ng residente sa liham ang ilang sunod-sunod na insidente na kinasasangkutan ng riding-in-tandem kabilang ang isang lalaki na nakasuot ng Angkas uniform na nangholdap sa isang pedestrian, ninakaw ang pera at isang cellphone.

               “Restaurant-goers and pedestrians have also been frequent targets of violent and economic crimes,” ayon sa residente.

Nitong linggo ng gabi, 4 Mayo 2025, pinasok ng tatlong armadong kalalakihan ang Izakaya Kojiro sa Pasay Road, Makati City na nakakulimbat ng pera, alahas at cellphone base sa kumalat na video sa social media.

Sa pinakahuling audit report ng COA, natuklasan na top spender si Abby Binay sa 17 local chief executives sa Metro Manila na umabot sa magkasanib na P480 milyon ang ginastos sa POPs sa dalawang magkasunod na taon, 2022 at 2023.

Nakita rin sa COA audit report na gumastos ng P120 milyon ang Lungsod ng Maynila nitong 2022 at 2023 na kahit pangalawa sa pinakamayamang lungsod;  at pumangatlo ang Quezon City na umabot lamang sa P100 milyon ang ginamit sa confidential funds kahit ito ang may pinakamalaking land area at populasyon at pinakamayaman na may P448.51 bilyong total assets.

Base sa Joint Circular No. 2015-01 na ipinalabas ng COA, Department of Budget and Management (DBM), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND), at ang Governance Commission for GOCCs (GCG), kabilang ang local government units na direktang gagastusin ang confidential funds sa POPs.

Limitado ang paggastos sa crime prevention and law enforcement activities; capability development for personnel of law enforcement agencies and volunteers; at programa laban sa illegal drugs, illegal gambling, counter insurgency, smuggling, human trafficking, illegal fishing, unlicensed mining, at illegal logging operations.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …