Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nick Vera Perez Parte Ng Buhay Ko

Nick Vera Perez abala sa promosyon ng ikaapat na album 

NASA bansa ngayon si Nick Vera Perez para sa kanyang ikaapat na album, ang all-original at all-new OPM album na Parte ng Buhay Ko, na available na sa lahat ng digital platform.

Ang Parte ng Buhay Ko album ay naglalaman ng mga awiting swak na swak sa panlasa ng mga Pinoy katulad ng  Bigaya, Paghilom ng Sugat, Titig, Lihim ng Puso, Kalendaryo, May Tayo Ba?, Pangarap Ko’y Ikaw, at Sana’y Mapansin.

Magiging abala ito sa promotions ng kanyang album sa radio, mall tours, at tv show.

Ilan dito ay ang kanyang guesting sa Net 25’Eat Connect, Wej@Minute, Sta. Lucia East Mall, Isetann Recto, Robinsons Novaliches, Wish Bus, at sa  Mayo11, ay nasa  KCC Mall de Zamboanga naman ito.

Magiging espesyal na panauhin ni Nick ang equally mahuhusay na singer at performer na sina Madam Evelyn O. Francia at ang promising singer na si Hannah Shayne.

Bukod nga sa promotion ng kanyang album ay magiging abala rin si Nick sa kanyang charity works sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kaabang-abang din ang ikalima nitong album ang Unafraid na naglalaman ng mga gospel song, bilang papuri at pasasalamat nito sa Diyos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …