Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sara Duterte Zuleika Lopez Atty Lorna Kapunan

Disbarment laban kina VP Sara, Zuleika nararapat — Kapunan

050625 Hataw Frontpage

IGINIIT ni Atty. Lorna Kapunan na bukod kay Vice President Sara Duterte ay dapat din ma-disbar ang Chief of Staff nito na si Atty. Zuleika Lopez.

Sa isang panayam, ipinunto ni Kapunan na ang ginawang pagharang ni Lopez ay maituturing na ground for disbarment.

Tinukoy ni Kapunan, ang pagpapadala ng liham ni Lopez sa Commission on Audit (COA) noong Agosto 2024 para humiling na huwag irespeto, pakinggan, at sa halip ay isantabi ang ipinadalang subpoena ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ani Kapunan, ang ginawa ni Lopez ay maliwanag pagbalewala sa Cannons Law Practice at interference o pakikialam sa isang institusyon tulad ng COA. Kawalan din ito ng respeto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Isa sa tinukoy na dahilan ni Kapunan, ang pagtanggi ni Lopez na ilipat siya ng kulungan sa Women’s Correctional at ikinandado ang kanyang pansamantalang kulungan at sa huli ay umasta pang abogado niya ang kanyang amo na si VP Sara.

“Lawyer has been disbar for less, intemperate language, failure to return the money to the client , moral conduct, temperate language for criticize the SC, for gender insensitive language, for disrespect to the authority,” ani Kapunan.

Binigyang-diin ni Kapunan na walang kahit sino ang maaaring mang-abuso ng kanilang titulo sa pagiging isang abogado. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …