Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jaye Lacson-Noel
MULA kabataan hanggang senior citizens ay sumusuporta sa kandidatura ni Congresswoman Jaye-Lacson-Noel bilang bagong alkalde ng Malabon City.

Ayon sa mga survey  
JAYE LACSON-NOEL NEXT MAYOR NG MALABON

050625 Hataw Frontpage

KUNG ang lahat ng ginawang surveys sa Malabon City ang magiging batayan ng paparating na eleksiyon sa Lunes, runaway winner na si Congresswoman Jaye Lacson-Noel dahil siya na ang panalo sa puso ng masa sa buong lungsod.

Sa numerong  67% resulta ng pinakahuling survey, consistent si Lacson-Noel na paborito ng mga botante na posibleng magselyo ng kanyang panalo kasabay din ng mataas na scores ng mister nito na si Bem Noel para sa pagkakongresista.

Maging ang mga supporters ng naging dating lider ng lungsod ay lumipat na rin ng suporta sa mag-asawang Noel na lalong nagpahina sa numero nina incumbent Mayor Jeannie Sandoval at mister nito na si Ricky Sandoval.

Umuungos din sa lakas sa mga survey ang ka-tandem ni Lacson-Noel sa pagka-bise alkalde na dating aktres na si Angelika dela Cruz, kasalukuyang kapitan sa Barangay Longos.

Maging ang pag-endoso kay Jaye ng mga kandidato sa pagka-bise-lakalde na sina Konsehal Jap Garcia at Dado Cunanan ay tinitingnan ng mga political analyst bilang hudyat ng pagsasama-sama ng mga magkakatunggali sa politika sa layuning magkaroon ng bagong alkalde na magsusulong ng kaunlaran at kaayusan ng Malabon.

“Nakatataba ng puso ang umaapaw na suporta ng mga mamamayan at ang lahat ng sektor sa lungsod, hindi pa man, taos sa ating puso ang pasasalamat sa kanilang lahat. Tuloy lang tayo, huwag lang tayong bibitaw hanggang marinig sa mismong araw ng eleksiyon ang ating sama-samang tinig,” sabi pa ni Congresswoman Jaye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …