Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sulong Malabon

Sulong Malabon movement todo suporta sa kandidatura ni mayor Jaye Lacson-Noel at congressman Lenlen Oreta

TAHASANG nagpahayag ng suporta ang multi-sectoral movement na Sulong Malabon sa tambalan nina Congresswoman Jaye Lacson-Noel na tumatakbong mayor at dating Mayor Lenlen Oreta na ngayon naman ay tumatakbong congressman ng lungsod.

Sa pahayag ng nasabing grupo naniniwala sila na  ang pinagsamang liderato ng dalawang lider bilang mayor at congressman ang higit na makabubuti para sa kanilang mga Malabonian.

“Naninindigan kami dapat matuldukan na ang kawalang-direksiyon at plano ng kasalukuyang namumuno sa Malabon. Nasaan na ang P400 milyong inilaan at iniwan ng nakaraang administrasyon upang maisaayos ang Tugatog Cemetery? Matatapos na lang ang termino ng nakaupo ngayon pero halos wala pa rin nangyayari. Tuloy walang maayos na mapaglibingan ang mahihirap nating mga kababayan,” bahagi ng pahayag ng grupo.

Naniniwala ang grupo na marami iregularidad at kapalpakan na ginagawang  pantapal ang mga  ayuda mula sa ipinagmamalaking ‘blue card’.

Para sa grupo ay maituturing na tila ginagawang  manlilimos, patay-gutom, at kawawa ang mga mamamayan ng Malabon.

“Noong nakaraang taon ay hinanapan ng Commission on Audit (COA) ng P392 milyon ang lokal na pamahalaan at kamakailan lang may P37 milyong gastos na hindi maipaliwanag, nagdurusa kaming mga taga-Malabon. Daan-daang milyon na ang nasasayang mula sa kaban ng ating lokal na pamahalaan dahil sa kapabayaan at kawalan ng mahusay na pamumuno,” dagdag ng grupo.

Binigyang-diin ng Sulong Malabon na mataas ang respeto at paniniwala nila sa dalawa dahil alam nilang lubos na nagmamahal sa Malabon kaya’t hinimok nila ang mga kapwa Malabonian na bumoto nang tama para sa kanilang mga pamilya at para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …