Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zsa Zsa Padilla

Zsa Zsa wala nang planong magpakasal;  Ipagdiriwang 42 taon sa industriya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

“WE’RE good. Okey na kami.” Ito ang tinuran ni Zsa Zsa Padilla sa isinagawang media conference sa Mango Tree Restaurant, Greenhills noong Lunes, para sa kanyang pagbabalik-concert, ang Zsa Zsa: Through The Years sa May 17 sa Samsung Performing Arts Theater, Ayala Malls Circuit Grounds, Makati

Ang tinuran ni Zsa Zsa ay ukol sa kanilang kasal. Natanong kasi ang singer/aktres kung may balak pa silang magpakasal ng kanyang partner na si Conrad Onglao. At walang kagatol-gatol na sinabi nitong wala na sa kanilang plano ni Conrad ang magpakasal.

We settled already and we’re living together for 11 years now. We’re good yes. Okey na kami,” ani Zsa Zsa.

Iginiit pa ng singer na nag-usap na sila ukol dito at napagkasunduan nga nilang hindi na sila magpapakasal.

Basta ‘yun na lang okey na kami.

“Kasi we discuss marriage, it is really putting everything together. We’ve already established ourselves before we met and may mga anak na kami. 

“So ngayon settled na kami sa kung ano ang mga plano namin. Right now we’re building a new home. Nakatira kami sa maliit na rental. Alam naman namin na temporary lang iyon.

“So being a builder we know he wants to build pero minsan kapag sinusumpong sinasabi niya mag-move kami further sa south, kapag retired na raw kami.

“Sabi ko ha?! Magbi-build ka na naman?! Siguro kung mayroon  ka pang energy na gumawa pwede pa,” sambit pa ni Zsa Zsa.

Samantala, through the years, maraming mga salita ang ginamit para tukuyin si Zsa Zsa – iconic, brilliant,  fabulous – ngunit para sa mga nakakikilala sa kanya ng lubusan, siya ay isang inspirasyon at isang absolute survivor.  

Through ups and downs, standout talaga si Zsa Zsa sa pagiging isang artist na patuloy na namamayagpag sa recording, film, television, at live concert stage.

Kaya naman marami ang excited dahil babalik muli si Zsa Zsa sa live stage – dazzling as ever – at gagawa siya ng gabing ‘di malilimutan sa kanyang upcoming concert na pinamagatang Zsa Zsa: Through The Years sa May 17 sa Samsung Performing Arts Theater, Ayala Malls Circuit Grounds, Makati.

Pangako nito ang isang gabi ng “music, memories and heartfelt moments,” at ayon kay Zsa Zsa ang event na ito ay “not just a concert, but a celebration of an incredible journey, a tribute to all the wonderful mothers [as the event happens around the time of Mother’s Day] and a pre-birthday treat for all of us to enjoy.”

Bilang isang multi-hyphenate, music ang first love ni Zsa Zsa at mapakikinggan sa concert ang napakaraming kanya niyang nag-hits. 

Naging miyembro si Zsa Zsa ng legendary Pinoy group na Hotdog na itinuturing na isa sa mga haligi ng OPM. 

Noong nag-solo, sunod-sunod ang hits niya gaya ng Kahit Na, Point Of No Return, Hiram, Ikaw Lamang, Mula Sa Puso, at Mambobola. Chart-topping din ang covers niya gaya ng We’re All Alone, Bridge Over Troubled Water, at Through The Years.

Sa kanyang sipag at dedikasyon, isa si Zsa Zsa sa mga best-selling female recording artists of all time at kitang kita ito sa kanyang mga multi-platinum full-length studio albums.

Bilang isang aktres, ilang beses pinatunayan ni Zsa Zsa ang kanyang range sa mga nakalipas na dekada, sa kanyang mga papel sa genres ng fantasy, comedy, at drama sa kanyang filmography na kinabibilangan ng Ako Legal Wife: Mano Po 4, Batang PX, Minsan Lang Kita IIbigin, at Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh. 

Sa telebisyon naman, binigyang buhay niya ang ilan sa mga complex characters sa primetime television sa mga top-rating series gaya ng Budoy, Juan Dela Cruz, at Wildflower habang isa naman siya sa mga OPM icons na mapapanood linggo-linggo sa long-running Sunday musical variety show ng ABS-CBN na ASAP Natin ‘To.

At dahil sa kanyang hard-earned accomplishments, naging pamantayan din siya ng kagandahan at tagumpay para sa maraming fans.

At para mas pabonggahin ang concert, inimbita ni Zsa Zsa ang ilan sa pinaka-mahuhusay na artists bilang special guests. Mapapanood sa show – na directed ni Rowell Santiago kasama si Homer Floresbilang Musical Director – sina Zia Quizon, Karylle, Erik Santos, and Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Samahan si Zsa Zsa sa biggest musical event of the season at maging bahagi sa bagyong yugto ng kanyang karera.

Let’s relive the songs, stories and unforgettable moments,” sabi ni Zsa Zsa. “I can’t wait to share this evening with you!”

Available ang Zsa Zsa: Through The Years ticket sa online via TicketWorld.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …