I-FLEX
ni Jun Nardo
MAIKSI ang buhay nina Michael Sager at Emilio Daez sa Bahay ni Kuya. Silang dalawa ang evicted last Saturday sa PBB Collab.
Pero parang mas maraming nalungkot at ang collab ng MiLi ang napalayas, huh! Si Dustin Yu ang expected nilang matatanggal.
Nasaan na raw ang mga acclang gusto sina Michael at Emilio?
Between the evictees, may career na naghihintay kay Michael. Paano naman si Emilio?
Sa pagkaka-evict kay Michael sa Bahay ni Kuya, naglabas si Jillian Ward ng suporta at depensa rito sa isang video na naging leading man niya sa GMA series na My Ilonggo Girl.
“Tuloy ang laban sa outside world.
“If only people knew how caring and genuine you are towards your friends and colleagues,” caption ni Jillian with heart emoji.