Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jodi Sta Maria Untold

Untold ni Jodi kakaibang manakot: tumili hanggang kaya mo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAPAKARAMING gulat factors ng psychological suspense-horror na Untoldmovie ni Jodi Sta. Maria. Tama ang tinuran ng mag-inang Roselle at Atty Keith Monteverde, ang pelikula ay pang-barkada, pampamilya.

Jusmio, paano naman umpisa pa lang hindi na maalis ang aming mata sa mga susunod na eksena. Kaya masaya kaming isa sa naimbitahan para sa Advance Screaming na isinagawa noong Martes ng gabi sa SM Cineme The Block ng Untold.

Kaloka talaga sa mga eksenang talaga namang mapapasigaw ka sa panonood.

Ibang klase talagang gumawa ang Regal Entertainment ng horror gayundin ang tandem nina direk Derick Cabrido (direktor ng Mallari) at Enrico C. Santos na sumulat kasama si Noreen Capili. Pinaghalong drama at horror kaya mas nakakatawag-pansin.

Sabi nga ni Roselle bago magsimula ang screaming, “noong una ko itong napanood, napasigaw talaga ako that’s why I came out with this (fan board na may nakatatakot na mukha ni Jodi) for everyone dahil masasaniban talaga kayo ni Vivian Vira.

Sana talaga mapanood nila sa mga sinehan na palabas worldwide for the experience. Rated 13 pa ito kaya mas marami ang makakapanood,” dagdag pa.

Nagpasalamat naman si Atty Keith sa mga dumalo sa advance screaming, “hope you enjoy the night. Relax feel free, yell and scream as mad as you want and just enjoy with your parents and colleagues, thank you.”

Nakaka-curios sa pelikula anf sapak ng karakter ni  Jodi bilang isang journalist na uhaw sa pagkakaroon ng scoop stories. Ang galing ng paglalaro ng karakter na iyon ni Jodi na hindi mo alam kung kailan siya matino at kung kailan may tama.

At dahil drama-horro ang Untold, iba-ibang emosyon ang mararamdamam tiyak ng sinumang manonood habang gumugulong at tumatakbo ang kuwento.

Lalo sa ending na mapapaisip ka sa kung ano ang nangyari sa karakter ni Jodi matapos niyang pagdaanan ang sumpa sa kanyang buhay at career. Tapos may biglang bawi na ayun pala. Pero hindi pa pala. Basta mahirap i-explain.

Tama ang tinuran ni Jodi sa presscon ng pelikula na hindi lang basta mananakot at manggugulat ang objective ng Untold dahil may ipinaglalaban ito, ang patuloy na paglaganap ng fake news sa bansa.

Muli napatunayan ni Jodi na kahit saan siya dalhin o ibigay na karakter, makikita pa rin ang kahusayan. 

Patunay na si Jodi ay talaga namang isang versatile actress na kayang gawin ang lahat bilang artista.

Bongga rin ang karakter ni Mylene Dizon bilang boss ni Jodi gayundin si Juan Karlos na cameraman ni Jodi.

Humanda rin sa mahusay na pagganap ni Joem Bascon na nanlito sa kanyang karakter at tiyak mapapatili kayo.

Nasa pelikula rin sina Gloria DiazKaori Oinuma, Sarah Edwards, at Lianne Valentin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …