Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices

Innervoices muntik magkawatak-watak

MATABIL
ni John Fontanilla

IBINAHAGI ng tumatayong leader ng grupong Innervoices na si Atty Rey Bergado ang naging desisyon nila  after m lisanin ng kanilang vocalist na si Angelo Miguel ang kanilang grupo.

Rito nga ay binigyan niya ng pagkakataon ang iba pang members ng Innervoices na magdesisyon kung itutuloy ba nila ‘yung grupo o hindi na.

Ang majority answers ng grupo ay itutuloy pa kaya naman nag-agree rin si Atty. Rey na ituloy ang grupo at maghanap ng bagong vocalist.

Kuwento nga ni Atty. Rey, “Noong umalis kasi si Angelo miniting ko silang lima, so I ask each and everyone them.’Angelo is leaving so tayo maiiwan, so ano ba ‘yung gusto nyo? Mayroon ba kayong sariling plano?’ Binigyan ko sila ng laya, and everyone told me na they want to continue, so I have to continue.

So okey sa akin gagawin ko lahat para mabuhay ulit ‘yung banda natin hahanap ako ng singer as long as buo tayong lima, kasi ‘pag may isa pang nawala sa amin mahihirapan na ako. 

“Since buo ‘yung lima. Kailangan ko ng maghanap ng singer hindi ako nahirapan na itayo ulit ‘yung banda, and with new materials mas lalong lumakas ‘yung loob ko.”

Dagdag pa nito, “Ang plano namin actually i-revive ‘yung mga lumang kanta ng Innervoices, kasi my take is bumalik kami sa mga  dating kinakanta ng grupo.

“So ito talaga ‘yung music namin medyo nag-divert kami the last time. So, balak namin kantahin at ibalik ang mga luma namin, even Angelo’s song.”

At last April 23, 2025 ay ipinakilala ng Innervoices ang kanilang bagong frontman, si Patrick Marcelinona sobrang husay mag-perform at napakaganda ng boses.

At sa pagpasok nga ni Patrick sa grupo ay apat na awitin ang kanilang hatid para sa kanilang mga supporter, ang Galaw, Idlip, Meant To Be, at Tubig, Hangin, Apoy, Lupa o T. H. A. L.

Ang InnerVoices ay binubuo nina Atty. Rey, Rene Tecson Joseph Cruz, Joseph R. Esparrago, Alvin Peliña Herbon, at ang pinakabagong member ng grupo na si Patrick.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …