Thursday , May 15 2025
Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas
Caption 1: IMINUMUNGKAHI ni mayoral candidate Carlo Aguilar ang pagtatatag ng local pension fund na layong dagdagan ang ₱1,000 buwanang suporta para sa mga senior citizen ng Las Piñas, simula sa mga pinaka-nangangailangan. (30) Caption 2 BINISITA ni Las Piñas mayoral candidate Carlo Aguilar (kaliwa) ang isang senior citizen na may karamdaman kasama si Dr. Eric De Leon who na tumatakbong konsehal sa lungsod.

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

IMINUMUNGKAHI ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas City, ang paglikha ng isang Local Pension Fund na magbibigay ng buwanang tulong pinansiyal sa mga senior citizen ng lungsod.

Layunin ng inisyatibong ito na maibsan ang araw-araw na pasanin ng libo-libong matatanda na umaasa sa limitadong tulong mula sa pamahalaan.

Sa kasalukuyan, tinatayang 11,000 sa mga senior citizen ng Las Piñas ang tumatanggap ng ₱1,000 buwanang social pension mula sa pambansang pamahalaan.

Nilalayon ng mungkahing local pension fund ni Aguilar na palawakin ang saklaw ng tulong para umabot sa tinatayang 60,000 senior citizen sa lungsod.

Magsisimula ito sa mga pinakanangangailangan —yaong mga walang pensiyon mula sa SSS o GSIS.

“Walang lolo o lola ang dapat maiwan. Hindi dapat pinipilit ang ating mga nakatatanda na mamili kung gamot o pagkain ang uunahin, lalo na’t hindi sapat ang isang libo sa panahon ngayon,” ayon kay Aguilar.

“Buong buhay silang nagtrabaho, nagtaguyod ng pamilya, at nag-ambag sa pag-unlad ng ating lungsod, panahon na para suklian natin sa makabuluhang paraan.”

Ayon kay Aguilar, ang magiging halaga ng buwanang pensiyon ay tutukuyin sa pamamagitan ng masusing konsultasyon sa mga samahan ng senior citizen at iba pang sektor.

Ipinaliwanag niya na maisasakatuparan ang pondo sa pamamagitan ng pag-aayos ng badyet, pakikipagtulungan sa pribadong sektor, at pag-alis ng mga hindi kinakailangang gastusin sa pamahalaan.

“Kailangang repasohin ang kasalukuyang paggastos ng lungsod upang matukoy kung aling bahagi ang maaaring ilipat para pondohan ang pensiyon. Bahagi rin ng plano ang paglapit sa mga corporate social responsibility (CSR) programs ng malalaking kompanya,” dagdag niya.

Ang mungkahing ito ay kaakibat ng mga pambansang pagsisikap na palakasin ang suporta para sa mga nakatatanda.

Sa Kongreso, may nakabinbing panukala—House Bill No. 10423—na naglalayong magkaroon ng universal social pension para sa lahat ng Filipino senior citizens, anoman ang kanilang estado sa buhay.

Habang hindi pa ito naipapasa, nilalayon ng lokal na inisyatiba ni Aguilar na agad matugunan ang pangangailangan ng matatanda sa Las Piñas.

Nang tanungin kung bakit niya itinutulak ang programang ito, sinabi ni Aguilar: “Hindi lang ito tungkol sa mga numero. Ito ay tungkol sa pagpapahalaga. Kung kaya nating mamuhunan sa mga gusali at impraestruktura, mas lalo dapat tayong mamuhunan sa dignidad ng tao—lalo sa ating mga senior citizen na malaki ang naiambag sa ating lungsod.”

Aminado si Aguilar na kakailanganin ng maingat na pagpaplano at pagba-budget upang maipatupad ang programa sa buong lungsod, ngunit nananatili siyang positibo na ito ay maisasakatuparan. Kasama ang kanyang tandem na si Louie Bustamante, tumatakbo bilang bise alkalde, buo ang paniniwala nilang posible ito.

Anila, “Karapat-dapat ang ating mga senior citizen sa isang pamahalaan na inuuna ang kanilang kapakanan.”

“Sa Bagong Las Piñas, lahat ng tao magkasama, walang iwanan!” pahayag nina Aguilar at Bustamante.

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …