Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sue Ramirez Dominic Roque Diego Loyzaga Gino M Santos

Sue super happy sa relasyon nila ni Dominic, umaasang ‘the one’ na ang aktor

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KITANG-KITA ang kasiyahan sa aura ni Sue Ramirez nang humarap ito sa media conference ng pinakabago niyang pelikula sa Viva Films, ang In Between kasama si Diego Loyzaga.

Kaya naman iyon agad ang napagdiskitahan namin sa kanya. Blooming at fresh na fresh kasi ang aktres. Ang dahilan—masaya siya sa kanyang lovelife ngayon. Masaya siya kay Dominic Roque na hindi naman nila itinatago ang kanilang relasyon.

Sabi nga ni Sue ukol sa kanilang relasyon, “Masaya lang po sa totoo lang, walang pressure. Masaya lang kami lagi, lumalabas kami, we enjoy our time together, explore, go on adventures together, and eat the best food together.

I think the foundation of starting a relationship is finding out kung ano ‘yung mga interest niyo. So far, swak naman ‘yung interest naming dalawa,” paliwanag ni Sue.

Itinanggi naman ng aktres na namanhikan na si Dominic dahil lamang kasama ng aktor sa picture ang kanyang ina.

Paglilinaw ng dalaga, nilibre ni Dom ang family niya noong mag-birthday ang tatay niya.

Sobrang na-appreciate ko ‘yung gesture niyang ‘yun. And my family’s getting close to him also,” anang aktres.

Umaasa si Sue na si Dom na ang kanyang “the one.” Sobrang napi-feel niya ang presence ni Dominic kapag magkasama sila dahil maalaga at thoughtful ang kanyang boyfriend.

Happy and grateful din si Sue na muli silang magkasama ni uli Diego sa In Between. Una silang nagkasama sa How to Love Mr. Heartless na ipinalabas noong 2022.

The good thing about working again with Diego is nagkasama na kami before.


“So every time we see each other, walang pagbabago, nagkukulitan pa rin kami. So ayun ‘yung maganda about this project,” 
anang aktres.

“Our roles now are very different (from first movie). We both became matured in our roles. I know Diego better now. He’s now a dad, so I see his maturity.

“He loves taking care of his daughter, Hailey. He loves talking about her. Sobrang girl-dad ni Diego. He loves being a girl-dad,” sabi pa.

Ang In Between ay idinirehe ni Gino M. Santos, at kasama rin sa pelikula sina Pat Sugui, Lander Vera-Perez, Phoebe Walker, Benj Manalo, Guji Lorenzana at marami pang iba. Showing na ang ang pelikula sa May 7, 2025.

 Sa In Betweenmga estudyante ang papel nina Sue at Diego.

Si Gaila (Sue) ay nasa late 20s, freelance musician, make-up artist, at graphic artist. Carefree at adventurous, bisyo niya ang uminom ng beer. Hindi buo ang tiwala niya sa pag-ibig.

Si Shane (Diego) ay nasa early 30s, nagtatrabaho sa real estate business ng kanilang pamilya, pero interesado sa bartending. Sobrang nasaktan sa pag-ibig pero gusto pa rin nitong mahanap ang ideal girl. Ikinokompara niya ang mga babaeng nakikilala sa iba’t ibang klase ng alak. Nang una niyang makilala si Gaila, beer ang pumasok sa isip niya – ang inuming hindi niya kailanman nagustuhan.

Sa susunod na pagkikita, maraming bagay silang napag-usapan. Simula noon nagsilbing “in between” nila ang isa’t isa. Nandyan sila para sa isa’t isa sa anumang pinagdaraanan nila sa buhay hanggang makilala nila ang “The One.”

Dahil kay Gaila, matututunan ni Shane na ‘wag masyadong perfectionist at mag-enjoy sa casual dating. Matutunan naman ni Gaila na magseryoso sa kanyang trabaho dahil kay Shane. Hindi mapipigilang ma-in love ng dalawa. Pero kung kailan akala nilang nakita na ang “The One” sa isa’t isa, bigla namang babalik ang babaeng itinuturing ni Shane na kanyang TOTGA (The One That Got Away).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …