Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hiro Magalona Nora Aunor

Hiro Magalona nalungkot na ‘di nasampal ni Ate Guy

MATABIL
ni John Fontanilla

NALUNGKOT ang aktor na si Hiro Magalona sa pagpanaw ng  nag-iisang Superstar Nora Aunor.

Isa kasi si Hiro sa masuwerteng artista na nakatrabaho si Ate Guy sa teleserye ng Kapuso Network, ang Little Nanay na pinagbidahan ni Kris Bernal at ng superstar

Nanghihinayang si Hiro na hindi natuloy ang isang eksenang sasampalin sana siya ni Ate Guy. ‘Di raw iyon natuloy dahil ini-request ni Ate Guy na huwag nang gawin ang  eksena dahil naawa ito kay Hiro.

Tsika nga ni Hiro, “May eksena dapat na sasampalin n’ya (ate Guy) ako tapos sabi niya kay direk Ricky (Davao), ‘’wag na sampalin kawawa naman.’  Pinatanggal niya ‘yung sampal sa eksena. 

“Sayang nasampal sana ako ng nag-iisang superstar at malaking karangalan ‘yun sa akin.”

Dagdag pa ni Hiro, “Hindi rin kami masyado nagkasama sa eksena kasi nasa kabilang unit ako lagi.

“Kaya  hindi kami nagkaroon ng time na magkuwentuhan ng matagal-tagal. 

“Pero sa maikling sandali na nakasama ko siya sa ‘Little Nanay,’ napakabait niya. Ni minsan ‘di niya ipinaramdam sa amin na superstar siya, napaka-humble niya.

“Wish ko nga dati na sana makatrabaho ko siya ulit, pero ‘di na nangyari dahil nag-lie low ako sa showbiz. Pero thankful pa rin ako dahil nakatrabaho ko siya,” pagtatapos ni Hiro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …