MATABIL
ni John Fontanilla
PGKATAPOS magpakasal at balik-showbiz ang aktor na si Hiro Magalona, makakasama ito sa pelikulang Aking Mga Anak ng Dreamgo Production na idinirehe ni Jun Miguel.
Makakasama nito sa pelikula sina Ralph Dela Paz, Patani Dan̈o, Cecille Bravo, Klinton Start, Prince Villanueva, Natasha Ledesma at ang mga bibidang bata na sina Jace Fierre Salada, Madisen Go, Candice Ayesha, Nicole Almeer atbp..
Excited na muling umarte ni Hiro na ang last na proyektong ginawa sa GMA ay ang teleseryeng Sherlock Jr. bago ito pansamantalang namaalam sa showbiz at nag-focus sa pagnenegosyo ay later on ay nagpakasal at nag-asawa.
At kahit nga maganda ang takbo ng negosyo nito ay nami-miss pa rin nitong umarte kaya naman nang alukin itong umarte at mapasama sa nasabing pelikula ay ‘di na nagdalawalang-isip si Hiro at umoo kaagad.
Wish nga ni Hiro na mapasama muli sa teleserye at makagawa ng maraming pelikula.