MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI lang sa Pilipinas bagkus halos sa buong mundo nabalita ang pagkamatay ng nag-iisang Superstar, Philippine cinema icon, at National Artist na si Ms. Nora Aunor.
Mula CNN, BBC, at Gulf News ay ibinalita ang biglaang pagyao ng awardwinning actress, pati ang mga naiambag ng aktres sa mundo ng showbiz industry ‘di lang sa bansa maging sa ibang bansa.
Kaya hindi lang mga Filipino ang nagluluksa at nalungkot sa pagkamatay ng itinuturing na isa sa pinakamahusay na aktres sa Southeast Asia.