Saturday , April 19 2025
Carlo Aguilar

Carlo Aguilar, nais itaas sa ₱50K-health benefits ng kalipikadong Las Piñeros sa Green Card Program

NANAWAGAN si Las Piñas City mayoral candidate Carlo Aguilar ng malaking upgrade sa programang pangkalusugan ng lungsod, simula sa panukalang itaas ang taunang medical benefit ng Green Card mula ₱30,000 tungong ₱50,000 kada miyembro ng pamilya, at palawakin ang libreng serbisyo sa gamot sa lahat ng barangay health centers.

Ayon kay Aguilar, ang pinahusay na Green Card program na kanyang nais ipatupad ay magiging mas accessible at titiyaking matatanggap ng mga residente ang tulong medikal nang walang pinapaboran at hindi na kailangang maghintay nang matagal.

“Prayoridad ko ang kalusugan ng bawat Las Piñero,” ani Aguilar. “Mahirap magkasakit sa panahon ngayon.” Binigyang-diin niya na ang pagpapabuti at pag-aalis ng politika sa Green Card system ay konkretong hakbang upang protektahan ang mga residente laban sa pasanin ng tumataas na gastusin sa kalusugan.

Nangako rin si Aguilar na palalawakin ang mga libreng programa sa gamot sa lahat ng city health centers, lalo na’t nahihirapan ang karamihan ng mga residente sa gitna ng tumitinding krisis sa ekonomiya at walang prenong pagtaas sa presyo ng gamot.

Ibinahagi niya na marami na ang nagrereklamo tungkol sa kakulangan ng suplay ng gamot at mahinang serbisyo sa barangay health centers. Tiniyak niyang mas maraming uri ng essential na gamot ang magiging available — partikular para sa mga senior citizens at pasyenteng nangangailangan ng maintenance medicines.

“Habang patuloy na tumataas ang presyo ng gamot, hindi tayo puwedeng maghintay pa,” ani Aguilar. “Dapat ay laging may sapat na suplay sa ating mga health centers at mabilis ang tugon sa pangangailangan ng komunidad.”

Ipinanukala ni Aguilar ang mga sumusunod na pangunahing pagbabago sa Green Card program:

digitalisasyon ng records at aplikasyon para mapabilis ang proseso at mabawasan ang papeles;  at pinasimpleng requirements upang mabawasan ang red tape at malinaw ang batayan ng kalipikasyon.

Nangako rin siyang tatapusin ang pamomolitika sa pamamahagi ng tulong medikal — isang isyung aniya’y nagpapahina sa tiwala ng publiko sa sistema at nag-iiwan ng maraming karapat-dapat na pamilya sa laylayan.

“Buong puso kong isinusulong na ang benepisyo ng Green Card ay magamit sa tunay nitong layunin — ang makapagbigay ng agarang tulong-medikal sa mga tunay na nangangailangan,” paliwanag ni Aguilar.

“Balak kong magpatupad ng mas mahigpit na alituntunin at gawing mas simple ang proseso upang tuluyang mawala ang impluwensiyang politikal at mapabilis ang paglabas ng pondo sa mga kalipikadong benepisaryo — hindi katulad ngayon na ginagamit ito para sa pansariling interes ng mga nasa puwesto.”

Ang mga iminungkahing reporma sa kalusugan ni Aguilar ay bahagi ng mas malawak niyang plataporma para gawing moderno at makatao ang serbisyo ng pamahalaang lungsod, habang tinutuligsa ang kasalukuyang pamunuan sa darating na halalan sa Mayo 12.

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …