Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Buraot Kween

Nora, Vilma, Maricel, at Sharon gustong makatrabaho ni Buraot Kween

MATABIL
ni John Fontanilla

TULOY na tuloy ang pagpasok sa showbiz ang isa sa Queen ng Tiktok, si Buraot Kween.

Mula nga sa pagiging hit sa social media sa kanyang pambuburaot na content na mabentang-mabenta sa mga manonood ay naging sunod-sunod na rin ang kanyang TV and movie projects.

At ngayon nga ay kasama ito sa advocacy film na Ako si Kindness na pinagbibidahan ng baguhang si Marianne Bermundo kasama sina William Thio, Rubi Rubi sa direksiyon ni Crisaldo Pablo

Kuwento ni Buraot Kween ukol sa kanyang role, “Ako si Liwanag, isang transwoman na nangibang bansa kasi nakipagsapalaran doon. Pero bumalik sa Pilipinas kasi na- broken hearted.

Dagdag pa nito, “May  naiwan siyang aso na si Heka na mahal na mahal niya ‘yun ‘yung baby niya. Nakare-relate ako roon kasi marami rin akong aso.”

Hindi na baguhan sa pag-arte si Buraot Kween dahil may mga nagawa na siyang pelikula.

“Hindi na rin ako baguhan sa pag-arte kasi nabigyan na rin ako ng role sa mga short film. Pero ‘yung isa sa malaking nagampanan ko ‘yung sa pelikulang ‘All About Her’ directed by Joel Lamangan.

“Tapos katatapos ko rin ng isa pang pelikula kay direk Joel din. Hindi ko alam if puwede nang sabihin pero ‘yung mga kasama ko rito sina Eric Quizon, Arnell Ignacio.”  

At sa pagpasok nga nito sa mundo ng showbiz ay pangarap niyang makatrabaho sina  Nora Aunor, Sharon Cuneta,  Maricel Soriano, at Vilma Santos.

“Pangarap ko silang makatrabo kahit simpleng role lang okey na sa akin ‘yun basta kasama ko sila.”

Bukod sa apat, gusto rin nitong makatrabaho sina Marian Rivera, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, atVice Ganda.

“Si Dennis Trillo dahil napakahusay niyang actor at crush na crush ko siya, guwapong- guwapo ako sa kanya.

“Nakita ko na siya sa mga event, pero hindi pa ako nagkakaroon ng chance na makausap siya.

“Siyempre gusto ko rin makatrabaho si Jennylyn napagaling na actress and nasubaybayan ko rin ang journey niya, simula nang sumali siya sa ‘Starstruck’ hangang sa naging  popular actress siya.

“And lastly si Meme Vice (Ganda). Actually marami ang nagsasabi na may resemblance kami at natutuwa ako kasi ‘di ko ini-expect na kilala rin ako ni Meme Vice. Kasi noong umatend ako ng premiere night ng movie niya na ‘And The Bread Winner Is’ nilapitan ko siya kasi magko-content ako mambuburaot ako sa kanya. Tapos sinabi niya na ‘Oh my gosh ikaw si Buraot sa Tiktok.’ So natulala ako ng ilang segundo kasi ‘di ko talaga ini-expect na kilala niya ako.” 

Sa magandang nangyayari sa career ni Buraot Kween, wish nito na sana’y magsunod-sunod ang magagandang proyekto na dumating sa kanya.

At kahit nag-aartista na ay ‘di pa rin niya iiwan ang pagco-content at patuloy pa rin siyang mambuburaot ng mga pangkaraniwang tao at mga artista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …