Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chad Kinis MC Calaquian Lassy Beks Battalion

Chad  ipinagtanggol si MC matapos sabihang tamad, walang pangarap

MATABIL
ni John Fontanilla

TO the rescue ang comedian at vlogger na si Chad Kinis para ipagtanggol ang kanyang kaibigan at co-Beks Battalion na si It’s Showtime host, si MC Calaquian pagtapos laitin ng publiko.

Sa kanyang Facebook ibinahagi ni Chad ang isang screenshot ng comment ng nagngangalang Xen Haymark na ikinompara ito kay Lassy na mas ‘di hamak daw na mas maganda ang buhay kompara kay MC na wala raw pangarap.

Mas bet ko si Lassy… kahit sinasabihan na chaka, ‘wag ka, dami naipundar, kesa kay MC na tamad at walang pangarap… sa vlog wala maipakita si MC kasi walang pangarap.” 

At ‘di naibigan ni Chad ang komento na ito ng netizen.

“‘Di porke walang ipinakikita sa vlog eh walang naipundar,” anito “Baka magulat ka kung sino pinakamayaman sa aming tatlo.”

Dagdag pa nito, “BOSS namin si MC sa Vice Comedy Club… Isa siya sa nagpapasuweldo sa amin. 

“Masipag si Lassy at deserve niya lahat ng mayroon siya, pero MALAKING TULONG SI MC sa kung ano man ang napundar ni Lassy. 

“Kung wala kang alam, try mo mag-research,” dagdag pa. “Ayos lang naman na may bet ka sa amin, pero ‘di ibig sabihin may karapatan ka na sabihan ang iba na walang pangarap at tamad. 

“Mahal ko ang dalawang ‘yan. Kaya OO, PAPATOL AKO! Lalo na sa mga epal na ganito!” pagtatanggol ni Chad sa kaibigan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …