Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marianne Bermundo Kathryn Bernardo

Marianne inspirasyon si Kathryn sa pagpasok sa showbiz

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI na nga mapipigilan ang pagpasok sa showbiz ng Beauty Queen na si Marianne Bermundo lalo’t magbibida na ito sa advocacy film na Ako si Kindness mula sa direksiyon ni Cris Pablo.

Kuwento nga ni Marianne patungkol sa pelikula, “Isa po siyang advocacy film, it is centered towards the youth so it will be a great voice for the people.”

Ibinahagi rin nito kung ano ang role niya sa movie, “I am Arisa po, I think this is one of the characters kailangan n’yo pong I look up, kasi siya po ‘yung magkakaroon ng major role sa movie.”

At sa pagkakaroon daw ng pelikula na siya ang bida, “Overwhelming po. Kasi ang ganda po ng experience, and I know that this experience would last for a life time.” 

Bata pa si Marianne ay pangarap na nito na mapasama sa isang pelikula.

Yes po eversince I was a child gusto kong maging part ng pelikula, kaya po kapag nanonood ako ng tv noong bata pa ako I would watch it as entertainment, pero sabi ko sa sarili ko someday mapapanood ko ‘yung sarili ko na ako naman ‘yung umaarte.”

Kaya naman nagpapasalamat ito sa mga taong naging dahilan para matupad ang pangarap niya.

I’m very thankful to sir Richard (Hin̈ola), to my supportive family especially my mom (Vergie Bermundo) who’s always at my side all throughout my pageant and now showbiz journey, to the press people, to Direk Cris Pablo and of cource po, to God.”

At kung mayroon naman siyang inspirasyon sa pag-aartista at pag-arte ay walang iba kung hindi si Kathryn Bernardo.

Eversince I was a child si Kathryn (Bernardo) na po ‘yung hinahangaan ko. Ang galing niya pong sumayaw, ang galing niya pong umiyak and napaka-natural niya pong umarte and maganda rin po siyang ehemplo sa mga kabatan.

“Kaya naman po dream ko na makasama si Kathryn sa telebisyon o sa pelikula.”

Makakasama ni Marianne sa Ako Si Kindness sina Rubi Rubi, Patricia Ysmael, Miles Poblete, Cye Soriano, Queen Buraot, Dave Gomez, Jenny Lin Ngai, at Wiliam Thio, sa direksiyon ni Crisaldo Pablo. Hatid ng Love Life Project Inc. in cooperation of Best Magazine, RDH Entertainment Network and Yeaha Channel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …