Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ralph Dela Paz Elia Ilano Albie Casin̈o

Indie actor Ralph Dela Paz malaking pasalamat kay Coco

MATABIL
ni John Fontanilla

ISA sa bagong pasok sa FPJ’s Batang Quiapo ang indie actor na si Ralph Dela Paz.

Gagampanan nito ang role ni In̈igo na bestfriend ng character ng aktor na si Albie Casin̈o.

Dream come true kay Ralph ang mapabilang sa cast ng FPJ’s Batang Quiapo at makatrabaho ang isa sa iniidolo niyang aktor, si Coco Martin, lead actor at direktor ng action series.

Kaya naman nagpapasalamat si Ralph unang-una sa Diyos sa panibagong blessing na ibinigay sa kanya at  kay Coco sa pagkakataong maging parte ng Batang Quiapo.

Una sa lahat nagpapasalamat po ako sa Diyos sa blessing na ibinigay niya sa akin. At siyempre kay Direk Coco sa opportunity na ibinigay niya na makasama ako sa ‘Batang Quiapo’ bilang best friend ni Albie Casiño.”

Dagdag pa nito, “Noon pa lang idol ko na talaga si Direk Coco dahil parehas kaming nag-umpisa sa indie Film. Isang karangalan po ang mapabilang sa ‘Batang Quiapo.’

“Sobrang bilib  ako sa husay na aktor at direktor ni Coco, na sobrang bait at generous sa mga nakakatrabaho niyang aktor.”

Bukod sa pag-arte negosiyante rin si Ralph, na siyang CEO and President ng SHIOMURA (Fried Noodles and Siomai) at makakasama rin siya sa pelikulang Arapaap kasama ang Viva artist na si Elia Ilano gayundin sina Sabrina M, Jethro Ramirez, Jeff Luna atbp. sirected by Romm Burlat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …