Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadj Zablan Bamboo Rico Blanco

Laya singer idolo sina Bamboo, Rico Blanco at Ney Dimaculangan

MATABIL
ni John Fontanilla

MAY bagong awitin na handog para sa kanyang mga supporter ang Pinoy Alternative Rock Singer-Songwriter at GMA Kapuso Artist na si Nadj Zablan, ito ang Laya.

Ayon kay Nadj, “Ang ‘Laya’ ay isang awiting bagama’t rock ang tema, ay may nakaiindak na tiyempo. Na sa unang mga linya ay maiisip ng lahat na ang kantang ito ay sakto para sa summer.”

Pero Ang awiting Laya ni Nadj ay inspired sa naganap na pandemya na sa wakas ay puwede nating sabihin na tayo’y nakalaya na, na dahilan para tayo’y magpasalamat at magsaya sa maituturing nating panibagong buhay.

At dahil sa magandang melody nito marami ang napapaindak.

Hit na rin ngang maituturing ang  dance steps nito na sinasayaw ng ilang Kapuso personalities at Baranggay LSFM DJ tulad nina Papa Ace, Papa Ding, Papa Yohan, at Janna Chu Chu na naka-upload na sa social media account like Facebook, Tiktok atbp. ni Nadj.

Si Nadj ay unang nakilala sa mga awiting panghugot gaya ng Sabihin, Hanggang Kailan, at Luha na naging Most Wanted Songs ng Barangay LS 97.1. Lalong nag-umigting ang pagkilala sa kanya nang nailabas ang awitin niyang Akay na siya ay dahan- dahang bumabalik sa kanyang Alternative Rock genre.

Nanggaling din ito sa pagbabanda, ang Silangan (na kilala noon sa kanyang homebase sa Antipolo), at Treadstone na naging Metro Manila Champion ng Red Horse Muziklaban 2006.

At ngayong 2025 sa kanyang awiting Laya ay naisip ni Nadj na napapanahon na para magbigay ng lubos na kasiyahan sa pamamagitan ng pag-indak at pagbahagi ng good vibes sa mga nakikinig. Sa gitna ng mga sakuna at pagsubok sa ating buhay, nais ni Nadj na magbigay ng pag-asa at saya sa kanyang mga tagahanga.

Ang mga Pinoy Rock Icon na sina Bamboo Manalac, Rico Blanco, at Ney Dimaculangan ang influences ni Nadj sa pagbuo ng mga kanta.

Ang Laya ay available na for streaming and download sa Spotify, Apple Music, YouTube Music at sa iba pang digital Music Platforms worldwide.  Maaari na rin itong i-request sa Barangay LS 97.1 Forever!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …