Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anne Curtis Bam Aquino

Kandidatura ni Aquino ‘binasbasan’ ng ‘Diyosang’ si Anne nang makita sa NAIA

PERSONAL na naipaabot ni Anne Curtis (matapos magpahayag sa X, dating Twitter), ang pagsuporta kay dating Senador at independent senatorial candidate, Bam Aquino nang bigla silang magkita sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Sa ‘di-inaasahang pagtatagpo, muling pinagtibay ni Anne ang suporta sa kandidatura ni Aquino at sa kanyang mga adhikain, partikular ang Free College Law. Nagpakuha pa ng larawan si Anne kasama si Aquino habang naka-No. 5 sign, bilang pagpapatibay ng kanyang pag-endoso sa senador.

Ibinahagi rin ni Anne ang kanilang larawan sa kanyang Instagram bilang parte ng kanyang “So MARCH fun” carousel album, na may caption na, “bumped into someone I’m voting for!”

Ito ang ikatlong pagkakataon na hayagang nagsabi ng suporta ang aktres sa kandidatura ni Aquino. Una niya itong ginawa ng sumagot siya ng “Yes!!” sa tweet ng stand-up comedian na si Alex Calleja na humihimok sa mga botante na isama si Aquino sa kanilang listahan ng mga iboboto sa darating na halalan.

Pinagtibay pa ni Anne ang pag-endoso nang i-retweet niya ang post ni Aquino sa X tungkol sa kanyang hangaring mapaunlad ang buhay at mabigyan ng mas maraming oportunidad ang pamilyang Filipino.

Sa isang Facebook post, pinasalamatan ni Aquino si Anne sa kanyang patuloy na pagsuporta. “Masaya akong nakasalubong at nakakuwentuhan ka ng saglit sa airport habang papunta sa kanya-kanyang mga flight natin! Your support means a lot to us at sa ipinaglalaban natin sa ating kampanya.

Ipapanalo natin ang laban na ito para sa madlang pipol at sa bawat pamilyang Pilipino! Libreng Kolehiyo, Siguradong Trabaho! God bless you, Anne!” dagdag pa niya.

Bukod kay Anne, ilan pang kilalang personalidad ang nagpahayag ng suporta kay Aquino, kabilang sina Edu Manzano, Dingdong Dantes, rapper/actor/director/vlogger Pio Balbuena, Bea Binene, Janine Gutierrez, at talent manager, aktor, at entertainment reporter na si Ogie Diaz. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Scam fraud Money

Scammer na ex-brgy. admin, timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang dating opisyal ng barangay na may kinakaharap …

Norzagaray Bulacan police PNP

Top 10 MWP sa Norzagaray, arestado sa kasong statutory rape

NAARESTO ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station ang isang lalaki na nakalista bilang …

SM Sparklo Reverse Vending Machines

SM Introduces Sparklo Reverse Vending Machines to the Philippines for the First Time Ever

SM Supermalls and Sparklo executives formalize their partnership during the official launch of Sparklo’s reverse …

Dead body, feet

Sa San Ildefonso, Bulacan
Kargador natagpuang patay sa by-pass road

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang manggagawa sa gilid ng bypass road sa bayan …

Police line do not cross

Sa Nueva Ecija
Bangkay ng mag-asawa itinapon sa irigasyon

NATAGPUAN ang mga labi ng matandang mag-asawa na halos limang araw nang nawawala na nakasilid …