Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yohan Castro Vehnee Saturno

Yohan Castro balik-showbiz, patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AFTER two years ay itinuloy ni Yohan Castro ang kanyang career hindi lang sa musika, kundi pati sa larangan ng pag-arte. Masaya siyang unti-unti ay lumalawak ang kanyang kaalaman sa pag-aartista at nagiging makabuluhan ang pagyabong ng career sa musika at acting.

Si Yohan ay nagsimula sa maliliit na role at naging aktibo sa pag-arte sa GMA-7. Isa sa ‘di niya malilimutan ay nakasama si Bea Alonzo sa isang Korean Telenovela na isinabuhay dito sa local teleserye ng Pinoy na pinamagatang Start Up PH. Nakasama rin niya si Dennis Trillo sa pelikulang Voltes V na umere kamakailan sa GMA-7 sa primetime, pati ang mga sikat na artista sa Bubble Gang. ‘Ika niya, isang malaking achievement na sa kanya at nagkaroon ng malawak na karanasan ang makasama ang malalaking bituin sa malaking TV network na ito.

Bukod dito ay naging talent din siya ni Korina Sanchez at minsan nang nagamit ang unang single niya titled “Bigay” na isinulat ng kilalang songwriter na si Vehnee Saturno — sa mga re-enactment o pagsasadula ng istorya ng buhay ng mga tao sa kanyang naturang programa. Incidentally, ang Bigay ay nominated sa 37th Awit Awards 2024.

Marami rin siyang nakuhang endorsement sa iba’t ibang aesthetic clinics na nangangalaga ng kanyang looks gaya ng Dr. Guanzon Medical Surgery Clinic sa pangunguna ni Doc Guanzon at Mommy Julie Gaerlan, Dr. Stephanie Co of Skin Avia Clinic, and Dr. Mark Fernandez Aesthetic Clinic. Lubos ang kanyang pasasalamat sa mga gaya nila na patuloy na naniniwala sa kakayahan niya bilang artista.

Hindi pa natapos ang pagyabong ng career ni Yohan, pinatutunayan niyang hindi lang isa ang kanyang talento dahil sa ngayon ay abala ang singer/actor sa pagkanta at patuloy na gumagawa ng musika upang magbigay saya, inspirasyon, pag-asa, at pagbabago sa mga taong makaririnig ng kanyang musika. Patuloy siyang nagiging bahagi ng Philippine Association of Recording Industry bilang isang premyadong recording artist ng henerasyon ngayon.

Kamakailan lamang ay na-release sa lahat ng digital streaming sa buong mundo tulad ng itunes, Spotify, YouTube, We Sing, at iba pa, ang dalawang original songs ni Yohan na may pamagat na “Bigay” na nailabas noong taong 2023, at ang kantang “Hangad” na na-release noong nakaraang taong 2024. Ang latest ay isang revival song na pinasikat ni Carol Banawa, ang “Itanong Mo sa Puso Ko”. Posibleng ma-release ang revival song ngayong 2025.

Lubos ang pasasalamat ni Yohan sa kanyang itinuturing na mentor, ama, at manager na si Mr. Saturno dahil sa walang sawang suporta sa karera niya sa mundo ng musika.

Nagbalik si Yohan sa Filipinas from Macau para sa kanyang mahal na ina na nakaranas ng mild stroke. Ang kanyang ina ang pangunahing rason nito, gusto niya kasing maalagaan at makita ang kondisyon at kalagayan ng mahal na ina.

Sa ngayon ay minabuti ni Yohan na bumalik sa Macau upang magtrabahong muli, para mas matugunan ang pangangailangang pinansiyal at medikal ng kanyang ina. Patuloy siyang lumalaban sa hamon ng buhay at ng kanyang karera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …