Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards

Alden walang balak sumabak sa politika

MATABIL
ni John Fontanilla

KALIWA’T kanan ang alok sa  Asia’s Multimedia Star at Kapuso prime actor na si  Alden Richards na pasukin na rin ang politika.

Dahil sa sobrang kasikatan, naniniwala ang mga kumukumbinsi na mananalo ang aktor kapag sumabak sa politika.

Pero mukhang wala pa sa isip ni Alden ang pasukin ang magulo at masalimuot na mundo ng politics, kaya naman maayos at may respeto nitong tinatanggihan ang mga 

nag-aalok sa kanya.

Tsika ni Alden sa isang panayam, “Lagi ko pong sinasabi even though there’s a lot of clamor for me running for politics, I can help people without being part of the government.”

Dagdag pa ng Box Office King, “It’s not because ayaw ko siya dahil mayroon akong mga hindi maganda about the system. It’s not about that.”

at kahit nga wala sa politika ay nagagawang tumulong ni Alden sa pamamagitan ng kanyang AR Foundation.

The platform that I have right now is more than enough to reach out to people who are in need.”

Gusto tumulong ni Alden sa industriya, kaya naman wish niyang dumami pa ang proyekto ng kanyang production company na Myriad Entertainment para mas marami pa siyang matulungang tao sa showbiz industry.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …