Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Magic Voyz

1st anniversary concert ng Magic Voyz dinumog; malaking venue pinaghahandaan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PUNOMPUNO ang Viva Cafe noong Linggo ng gabi dahil sa first anniversary concert ng all male group na Magic Voyz ng Viva  Records at LDG Productions ni Lito de Guzman

Talagang hataw kung hataw ang Magic Voyz na kinabubilangan nina Jhon Mark Marcia, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane- (composer ng grupo), Asher Bobis, at ang pinakabago sa grupo, si Jorge Guda-

Ayon sa grupo, sobrang saya nila na nakaabot sila ng unang anibersaryo at muli nilang napuno ang Viva Cafe. 

Kahanga-hanga ang grupong ito na sa tuwing magtatanghal sa Viva Cafe talaga namang punumpuno na halos hindi mahulugang karayom. Bukod naman kasi mahusay kumanta, magaling ding sumayaw ang walo.

Patunay sa ganda ng kanilang boses ang mga awiting Wag Mo Akong Titigan at Bintana nanakaka-LSS at kinagigiliwan ng mahihilig sa musika.

Sa unang anniversary concert hindi maitago ng walo ang kasiyahan dahil talagang sinugod sila ng kanilang mga kaibigan, pamilya, fans para suportahan.

Sobrang saya, maraming struggle na nangyari. Hindi ma-explain. May mga nagkasakit, napaos sa kakakanta. Pero nakaya naman at naitawid namin,” panimulang pagbabahagi ng grupo nang kumustahin pagkatapos ng kanilang pagtatanghal.

“Marami ring ginawang preparations sa first anniversary concert. Dito namin ibinuhos ‘yung full pack performance talaga namin.

“Kailangan din na upgraded ang Magic Voyz sa anniversary namin at nakatutuwa at nakaka-overwhelm na one year na ang Magic Voyz,” ani Johan.

Sa concert maraming bagong ipinakita ang grupo kaya naman tilian ang kanilang mga tagasubaybay. Kasama rin sa bago ang bago nilang member na si Jorge Guda.

I’m so grateful and happy to be part of an excellent group, ang Magic Voyz. At looking forward ako sa mas maraming event at shows ng grupo,” sabi ni Jorge na kaya nasali sa all male group ay ini-refer ng isang kaibigan kay Mader Lito.

Sobrang blessed and at the same time sobrang saya at sobrang worth it lahat ng sacrifices ng bawat isa. Bawat training, sobrang grateful na nakasama ako sa grupong ito,” sabi pa ni Jorge na ibinuking ng mga kasamahang nilagnat ito noong mga unang araw ng training.

Ibinahagi pa ng grupo na sa mga susunod na araw, mga bagong kanta naman ang kanilang iparirinig.

May mga new song na iri-release na hindi lang isa kundi marami na. Kasi hindi lang ako ang nagko-compose ng kanta. Andyan din sina Mhack, Asher, Mark na marurunong na ring mag-compose. Kaya apat na kaming magki-create ng magic para sa Magic Voyz,” masayang pagbabalita pa ni Johan.

Idinagdag pa ng grupo na, “Nangangarap kami na makapag-perform sa mas malaking stage at tiyak na mas gagalingan pa namin. Isa iyon sa ipinagdarasal namin na mabigyan ng chance,” sabi pa ng grupo.

Sobrang proud naman ang manager ng Magic Voyz na si Mother Lito dahil muli isang napakagandang show ang ginawa ng kanyang mga alaga. Kaya naman anito, by June sa Music Museum na sila magtatanghal.

Grabe ang siksikan sa tuwing magso-show ang Magic Voyz. Marami ang nagme-message pa na gusto nilang mapanood ang mga bata kaya naman paghahandaan naming mabuti dahil sa next show nila sa big venue na sila,” ani Mother Lito na kitang-kita namin kung paano sinuportahan ang walo mula umpisa hanggang ngayon.

Ibinalita naman ni Mother Lito na iri-release na ng Magic Voyz ang bago nilang kanta, ang Tampo sa ilalim pa rin ng Viva Records.

For booking & inquiries puwedeng kontakin sa page ng Magic Voyz o sa 09178403522, at sa Viva Artist Agency.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …