Thursday , April 3 2025
Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

SINIPAT ng TRABAHO Partylist sa Navotas City ang kondisyon ng mga nagtatrabaho sa mga latahan ng sardinas, planta ng corned beef, hayumahan ng lambat, at varadero [shipyards] na ang mayorya ng mga manggagawa ay “skilled workers” at “seasonal employees”.

Sa isang dialogo nitong 24 Marso 2025 sa pagitan ng TRABAHO at mga nasabing mangaggawa, ibinida ni Atty. Johanne Bautista ang kanilang prayoridad na mabigyan ng libreng upskilling and reskilling programs para sa mga skilled workers.

“Para po sa industriya natin [food at shipbuilding], isa po sa aming mga isinusulong ang free skills training,” aniya.

Para naman sa mga seasonal employees, aaksiyonan ng grupo ang kawalan ng kita o hanapbuhay tuwing off-season.

“Dapat po tulungan natin itong mga manggagawa na nawawalan ng trabaho during off-season, kaya ang isa po sa aming mga isinusulong na programa ay ang pagbibigay po ng alternative na sources of income sa pamamagitan po ng job placement services at livelihood programs,” pagbibigay-diin ng abogadong nominee.

Ang mga ito ay mga aksiyon sa mas malawak na labor reforms na isinusulong ng TRABAHO, numero 106 sa balota, gaya ng mas mataas na sahod, karagdagang mga benepisyo, at patas na oportunidad sa trabaho.

About hataw tabloid

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …