Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Paulo Avelino Ate Kam Chiu My Love Will Make You Disappear

Ate Kam boto sa relasyon ng KimPau; MLWMYD movie humahay-iskul

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINDI nagpahuli ang kapatid ni Kim Chiu, si Ate Kam sa pagpapakita ng suporta sa aktres. Nagpa-block screening din ito noong Sabado ng gabi sa UP Town ng pelikulang pinagbibidahan ng kapatid at ni Paulo Avelino, ang My Love Will Make You Disappear. 

Sandamakmak na ang block screening ng MLWMYD pero dahil sobra-sobra ang pagmamahal ni Ate Kam kay Kim, mayroon din siya bilang suporta sa kapatid.

Na-enjoy namin ang pelikula bagamat parang feeling namin ay nagbalik kami sa high school days namin noon dahil napakaraming kilig moments ng pelikula.

First time namin nakita kung hindi kami nagkakamali na ‘bumigay’ si Kim. Meaning, nakipag-halikan on screen. Hindi lang isa o dalawa, napakarami pa kaya tiyak na marami ang kikiligin o kinilig nang mapanood ang pelikula ng dalawa.

At ‘wag kayong pipikit o iihi dahil sa huli, may rebelasyon ang dalawa.

Sa pelikula, kitang-kita ang chemistry ng KimPau. Bagay na bagay talaga sila.   

Ang lakas ng chemistry na sabi nga ng mga kasabayan naming nanood din mas matindi pa sa Linlang at What’s Wrong with Secretary Kim. 

Dahil daw ba kasi  may ‘something’ na  ang dalawa? Actually, parang nakita namin iyon sa super-daming kissing scene at may bed scene pang bonus. Kaya talagang ‘bumigay’ na si Kim kay Paulo.

Nahingan namin ng pahayag si Ate Kam ukol sa napakaraming kissing scenes ng Kimpau, at aniya, okey lang ang mga iyon. 

“Siyempre, hindi tayo magugulat kasi may mga milestone naman ang career ng isang artista. 

“So, it’s about time na rin for mature roles. And hindi na ‘yung princess na pa-tweetums na pa-cute-cute,” ani Ate Kam.

Natanong din si ate Kam kung boto ba siya kay Paulo sakaling magkatuluyan na nga ang dalawa. At mabilis itong sumagot ng, “Siyempre, oo naman.  

“Me, as ate, parang I don’t want naman na parang maging protective. We have our own lives, so kung saan siya masaya. And I know she’s happy, so happy na rin kami,” dagdag pa ni Ate Kam.

Naku, lalo kaming kinilig sa tinurang ito ni Ate Kam ha. Haaay.

At nang susugan pa ang tanong kung nasabi ba o naikuwento ng kapatid kung gaano iyon kasaya, sinabi ni Ate Kam na hindi na kailangang sabihin pa iyon ni Kim, dahil nakikita naman niya at nararamdaman.

Makikita mo talaga sa mata niya, ramdam talaga. Inspired,” giit pa.

So ayun na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …