MAYORYA ng mga botante ay iboboto si Mitch Cajayon-Uy, incumbent re-electionist ng 2nd District Representative ng Caloocan City, kung gaganapin ang halalan ngayong araw.
Ito ay base sa isinagawang survey ng Social Weather Station o SWS kung saan nasa 58 porsiyento ng 1,800 rehistradong botante sa lugar ang iboboto si Cajayon.
Kung ikukumpara sa 35 porsiyentong nakuha ng kanyang karibal, ang SWS Surveys ay nagpapakita ng malawak na margin ni Cajayon laban sa kanyang kalaban sa darating na Congressional race para sa Mid-term Elections ngayong taon.
Samantala, pitong porsiyento ng mga botante ay hindi pa rin nakakapagdesisyon.
“Ang suporta na ipinahiwatig sa survey na ito ay hindi lamang naghihikayat sa akin ngunit nagpapatibay din sa kahalagahan ng gawaing ating pinagsama-sama lalo na sa pagbibigay-prayoridad sa kapakanan ng kababaihan at mga bata,” wika ni Cajayon.
“Ito ay isang patunay ng ating ibinahaging pangako na iangat ang ating komunidad, pahusayin ang mga serbisyong pampubliko, at tiyakin ang isang mas magandang kinabukasan para sa mga residente ng Caloocan,” dagdag pa ni Cajayon.
Si Cajayon ay nagsilbi sa iba’t ibang elective posts sa lungsod ng Caloocan mula noong 2004. Noong 2022, siya ay lumahok at nanalo sa kongreso.
Sa Kongreso, siya ang may-akda ng Anti-Bullying Act, ang Mandatory Infant and Children Immunization Act, An Act Threatening the Juvenile Justice System, at iba pang mga panukalang batas na nagtataguyod ng mga karapatan ng kababaihan at mga bata.