Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis wagi sa Star Awards 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PANALONG-PANALO talaga sa puso ng Pinoy ang  Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis dahil wagi ito bilang Best Mini Series sa 38th PMPC Star Awards for Television noong Linggo, Marso 23, sa Dolphy Theater.

Kaya naman walang pagsidlan ng tuwa ang action star-lawmaker Senator Ramon Bong Revilla, Jr., na gumaganap bilang si TOLOMEEEE! sa panibagong karangalang iginawad sa kanilang serye.

Grabe! Sobrang nakatataba ng puso! Mula umpisa hanggang dulo, ibinuhos namin ang lahat para mabigyan kayo ng isang palabas na hindi lang puno ng aksyon at tawanan, kundi aral at lalim din. 

“Nagpapasalamat kami sa PMPC sa pagkilalang ito, sa aming production team, at higit sa lahat, sa mga manonood na walang sawang sumuporta,” anang mambabatas.

Kahit tapos na ang Season 3 ng show, hindi pa rin kumukupas ang kasikatan nito. Pinag-usapan ito dahil sa kakaibang timpla ng aksyon, tawanan, at kurot sa puso. 

Kasama ni Senador Bong sa tagumpay na ito sina Beauty Gonzalez, Niño Muhlach, Dennis Padilla, at iba pang mahuhusay na artista.

Usap-usapan ngayon kung magkakaroon ba ng Season 4 ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis!” 

Hindi pa ito kinukompirma ni Senador Bong, pero marami na ang nag-aabang – babalik kaya si Tolome sa telebisyon?

Abangan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …