Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Summer-Saya Together TV5

Summer-Saya Together ng TV5 pasabog may Japan getaway pa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KASABAY ng pag-init ng panahon ang mainit ding mga pasabog ng TV5 sa Summer-Saya Together campaign. May matitinding tapatan, nakaka-kabang pagtatapos, at pinaka-exciting sa lahat, may pa-trip to Japan para sa dalawang masuwerteng manonood.


Mas matindi na ang mga eksena sa huling tatlong linggo ng Ang Himala ni Niño. Matutunghayan kung paano muling babalik ang pananampalataya ng mga taga-Bukang Liwayway dahil sa mga himala ni Lolo Mars. Dito rin matutuklasan ni Niño ang kanyang sariling kakayahang magdulot ng pagbabago.

Sa Lumuhod Ka sa Lupa, malalaman na ni Jane na si Christine pala ang tunay niyang ina. Magkakaisa sina Christine at Norman para pabagsakin si Benito. Hindi dapat palampasin ang matinding paghaharap sa nalalapit na pagtatapos.

Pasabog din ang weekend sa unang live elimination round ng Sing Galing sa Abril 5. Sa Be The NEXT: 9 Dreamers, magpapagalingan ang 75 trainees hanggang 45 na lang ang matitira.

Magdiriwang naman ng ika-30 anibersaryo ang ASAP na may espesyal na selebrasyon. Babalik din ang American Idol at may bagong hurado, si Carrie Underwood na isang Grammy winner at dating Idolchampion.

Mas riot naman ang Da Pers Family sa kanilang mga bagong episode. Mas maraming kulitan at good vibes mula sa Muhlach family na gumaganap bilang pamilya Persival.

At siyempre, ang pinaka-aabangang papremyo ng TV5 sa kanilang Tara Na sa Saya: Win a Trip Promo. Dalawang masuwerteng manonood ang makatatanggap ng all-expense paid trip to Japan. Kasama na ang free airfare at accommodation, plus 4-day, 3-night adventure kasama si Maoui Davidmula sa Güd Morning Kapatid.

Abangan ang mas marami pang pasabog mula sa TV5. I-follow ang TV5 sa social media para hindi mahuli sa saya!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …